Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Napapikit pikit pa ako ng masilaw ako sa liwanag na tumatagos sa kurtinang isinasayaw sayaw ng hangin. Iginala ko ang tingin sa paligid ng kwarto.
Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto kong wala ako sa aking kwarto. Dali dali akong bumaba ng kama,halos madapa pa ako sa sobrang pagmamadali.
Kumunot ang noo ko ng makita ko ang dagat.
Nasaan ba ako? May kasama ba ako?
Napapikit ako ng makaamoy ako ng nilulutong pagkain. Bumaba ako sa ilang baitang na hagdan at hinanap ang parteng kusina. Nakakita ko ng nag-iisang pinto sa ibaba na may kurtinang pinag-dugtong dugtong na mga sea shells.
Napairap ako sa aking isip ng makita ko ang likod ng isang lalaking hindi ko naisip na makakasama ko sa ganitong klaseng lugar.
Oo,maganda ang katawan niya,kailangan ba talaga niyang ibandera yun dito eh alam naman niyang may kasama siya dito.
"Are you done checking my back?. ,nakatalikod siya ng sabihin niya yun. Ganyan naman siya kahit nakatalikod siya nararamdaman daw niya ang presensiya ko. Madalas kasi niya akong mahuling pinagnanasaan daw ang likod niya.
Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na yun?
"Asa ka!. ,pambabara ko sa kanya.
Humarap siya sa akin. Mabuti na lang may apron siya kundi mawawalan ako ng gana sa pagkain.
Really,Stephie?
Inilapag niya ang hawak niyang plato na may lamang bacon at itlog.
Iniwas ko ang tingin doon. Tumayo ako at pumunta sa counter. Magtitimpla ako ng kape.
"You're drinking coffee now?. ,I thought you hate anything with caffeine?. ,kunot ang noo niyang tanong sa akin.
Napatigil ako sandali sa aking ginagawa pero ipinagpatuloy ko pa rin ito. Hindi ko siya sinagot. Bumalik ako sa mesa matapos magtimpla ng kape.
Hindi ko pinansin ang niluto niyang sinangag sa halip ay kumuha ako ng tinapay.
"Nasaan ba tayo? I need to go back,marami akong trabahong dapat gawin. . ,salat sa emosyong sabi ko sa kanya.
Hindi siya umimik. Kumuha siya ng plato at nilagyan ito ng sinangag,itlog at ilang piraso ng bacon strips. Inilagay niya ang plato sa aking harap.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"I don't eat heavy breakfast. ,sabi ko.
Inurong ko palapit sa kanya ang plato.
Huminga siya ng malalim.
"You've changed!. ,tila nahahapo niyang sabi. ,"First the coffee and now this. ,turo niya sa pagkain. ,
I ignore him. ,ininom ko ang kapeng nasa harap ko.
"I need to go back!. ,malamig kong sinabi ko sa kanya.
Napaigtad ako ng bigla niyang paluin ng malakas ang mesa.
"Bullshit!. ,hindi ka aalis! Walang aalis!!!. ,sigaw niya. His eyes was black,pitch black.
Napasinghap ako. How dare him! Anong karapatan niya para gawin sa akin ito? Ano bang akala niya,katulad pa rin ako ng dati na nauuto niya.
Umigkas ang aking kamay at sinampal ko siya. Pumaling ang kanyang mukha sa lakas ng sampal ko.
Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Awang ang kanyang bibig na nakatingin siya sa akin. Bakas ang pagkalito,takot at pagsisisi sa kanyang mukha. Sinubukan niyang hawakan ang aking kamay pero umiwas ako.
"How dare you!!! Ang kapal ng mukha mo?. ,sigaw ko sa kanya. I clenched my jaw." Anong karapatan mong dalhin ako dito ng walang pasabi?at ngayon balak mo akong hindi pauwiin?. ,hindi ka pa ba tapos,ha??? Hindi pa ba kayo tapos sa panggagago sa akin?. ,
"N-no. ,P-please. ,sweetie,listen to me. ,garalgal niyang sinabi." I want us to talk! Gusto kong mag-usap tayo kaya kita dinala dito. ,p-please!. ,I'm so sorry if I shouted at you. ,pakiusap niya.
"Don't call me sweetie. ,and I don't want to talk to you because really there's nothing to talk! . ,madiin kong sinabi sa kanya.
Tumayo ako sa mesa. I'd rather spend my time inside the room keysa makipagtalo sa kanya.
Mabilis akong lumabas pero bago pa ako makaakyat ng hagdan pumalibot ang braso niya sa bewang ko.
"Please,sweetie. . ,let's talk! I'm sorry if i dragged you here against your will. ,h-hindi ko na kasi alam kung paano kita makakausap. ,garalgal ang boses na saad niya.
Pinipilit kong alisin ang kamay niya sa bewang ko but he's not letting me. . ,masyadong mahigpit ang kapit niya.
Being this close to him brings back many memories of us together. And I don't want this. ,i don't want to feel like this again.
"Amiel,let me go!. ,matigas kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang pag-iling sa aking likuran.
"No,sweetie. . ,i am not gonna let you go!! Not this time. ,please! Pakinggan mo naman ako,kahit na alam kong may explanation is almost a decade late. . ,just please listen to me!. ,nararamdaman ko ang pagkabasa ng likurang bahagi ng damit ko.
I close my eyes as i swallow the lump in my throath. ,
"P-please,Amiel. . ,t-tama na. ,ang sakit sakit pa rin kasi. ,kahit na matagal na pero ang sakit sakit pa rin!. ,ayoko sanang umiyak pero hindi ko na kayang pigilan ang paglabas ng aking mga luha. Naninikip na rin ang aking dibdib. Unti unti akong napaupo habang hawak ang aking dibdib. Nakakapanghina!
"Sshh! I'm sorry. ,i'm so sorry. ,sweetie. ,hayaan mong tulungan kitang unti-unting pawiin ang sakit. ,kasi nasasaktan din ako,sweetie. ,ang sakit sakit na makitang ang andiyan ka lang pero parang milya-milya ang layo mo sa akin. ,
Hindi ko na nagawang tumutol sa yakap niya. Pakiramdam ko wala na akong lakas.
Bakit kasi masakit pa rin?
Paano ba mawawala ang sakit?
Talaga bang kung sino ang nagdulot sa atin ng walang kapantay na sakit ay siya ring may kakayahan na pawiin ang sakit?