Erin's POV (Aka Gen)
Nakakatuwa si Nath. Nung first lunch namin together binigay niya yung number niya sa akin. Proactive talaga eh. Haha! Pero ako naman syempre tuwang tuwa. Aayaw pa ba ako sa blessing?
Palagi na lang kami magkatext. At kapag pauwi na eh magkausap kami sa phone. Every time na maririnig ko yung boses niya parang nafu-full charge ako kahit sobrang pagod na at idagdag pa yung pangungulit ni Anne.
Ewan lang kung anong meron sa amin. Hindi malinaw eh. Pero ang alam ko masaya ako kapag katext, kausap, o kasama ko siya.
Nakalipas na ang isang linggong training. Woohoo! Nakakapagod yung byahe pauwi dito pero okay lang. Sa isang week na yun mas naging close pa kami ni Belle. Well ang cute kasi niya kapag tinatawag ko siyang Belle. Nagba-blush ang lola niyo at tuwang tuwa naman ako. Hehe.
Maaga akong gumising. Gusto ko na kasing bisitahin si mama eh. Nakaligo na ako at palabas na ng room ko nang makasalubong ko si papa.
"Aba... Ang aga mo baby girl. May lakad?"
"Opo papa. Namiss ko na kasing idrive si Amber (kung nakalimutan niyo na po yung motor ni Gen yun.)."
"Ingat ka baby girl."
"Opo papa."
"Almusal muna tayo. Hindi na kita nakakasabay kumain."
Pinagbigyan ko naman si papa. Puro kwento nga ako tungkol sa work ko eh. Haha.
Pinabaunan pa ako ni tita Beth ng sandwich baka daw magutom ako. Kinuha ko naman yung isang box ng J.Co sa fridge namin. Bumili kasi ako kahapon para pasalubong kila mama.
"Baby girl may ganyan ka pala. Bakit kami wala."
"Si papa nagtampo. Nasa fridge yung inyo ni tita. Alis na ako!"
Nagdrive na ako papunta sa telephone booth. Sana naman nandun pa yun.
Pagliko ko sa maputik na daan ay natanaw ko na yung telephone booth.
Ayun dial dial lang at parang vacuum nanaman yung telepono.
Masigla akong naglakad papunta kay mama. Nasa labas siya kasama si baby Erin. At kumaway agad nung makita ako.
"Oh Gen ang tagal mong hindi dumalaw ah."
"Sorry Irene busy kasi sa work sa Manila. Eto o pasalubong."
"Nagabala ka pa."
"Wala yun."
Pumasok kami sa bahay. Nasa bahay rin pala si papa. Binati ko siya at nakipagkwentuhan naman na kay mama.
Sobrang dami kong naikwento kay mama. Pati nga yung tungkol kay Nath eh. Haha. Akala ko nga papalayasin niya ako nung malaman niyang BI ako eh. Haha. Natakot talaga ako sa magiging reaction ni mama. Pero buti na lang open minded na siya.
"Siguro ang ganda nung Nath na sinasabi mo. Base kasi sa pagkakakwento mo sobrang inlove ka sa kanya."
Nilabas ko yung cellphone ko at pinakita yung stolen shot ni Nath.
"Wow. Ang ganda nga niya. Pero mas maganda ako. Haha"
"Syempre mas maganda ka mama."
"Mama?"
"Ahh este mama ni Erin. Haha" namutla ako dun. Nadulas naman kasi ako. Masyadong naging komportable sa pakikipagusap kay mama.
"Ahh... Haha. Pero kung gusto mo akong tawaging mama okay lang naman."
"Talaga?" excited kong tanong.
"Syempre hindi! Haha! Magkalapit lang ang edad natin noh."
"Haha." nakitawa naman ako sa kanya. Sarap talaga ng may cool na mom.
"Lika dito Erin. Si mama mo pinagtitripan ako." sabay kalong ko sa younger version ng sarili ko.
Bigla nanaman akong kinabahan. Kung makatitig si mama parang isa akong micro organism na nasa ilalim ng microscope.
"Bakit?"
"Kamuka mo si Erin. Parang older version ka."
"Haha... Namamalikmata ka yata."
"Seryoso ako."
"Haha.. Baby Erin pinagtitripan ako ni mama mo oh."
"Erik! Halika may ipapakita ako sayo! Dali!"
"Ano ba yun mahal?"
"Ayan." sabay turo sa amin ni baby Erin.
"Magkamukha sila. Parang younger at older version oh."
Pinagpawisan ako ng todo ah. Parang dalawa na silang microbiologist na nakatingin.
"Oo nga mahal. Sigurado ka ba Gen na hindi mo kamaganak itong si Irene?"
"Haha hindi po." at binaba ko na si baby Erin. Mahirap na baka madulas pa ako kung tatanungin pa nila ako.
"Haha. Irene wag mo na ngang tanungin si Gen. Kita mo nga hindi na siya komportable."
"E mahal. Sige na nga. Pasyensya na."
"Ano ka ba. Okay lang yun."
Wew! Nakalusot ako dun ah. Haha. Kailangan ko muna dumistansya kay baby Erin. Mahirap na.
Nagkakwentuhan pa kami.
"Nga pala yung cellphone ba yun? Parang wala pa akong nakikitang ganoon dito sa atin."
Si mama naman napakaobservant.
"Ahm...galing sa company namin. American brand." palusot ko.
"Ahh... E anong ginagawa mo sa work mo?"
"Ahm... May mga tumatawag na Amerikano tapos kami yung sasagot sa nga tanong nila."
"Parang ang dali lang ah."
"Haha.. Hindi kaya."
"Sabagay wala naman madaling trabaho."
"Tama. Haha"
"Ay hapon na pala. Kailangan ko ng umuwi. Mapapagalitan na ako sa papa ko."
"Ay sayang naman. Sige pero balik ka ba dito bukas?"
"Oo naman. Weekends na nga lang ako nakakadalaw eh. Pero baka hindi ako magtatagal. May pasok kasi kinabukasan sa work."
"Okay lang basta ba pupunta ka eh."
"Ocge bye-bye!"
At pumunta na ako sa telephonebooth. Ilang minuto lang nasa real time na ako. Kahit na sobrang kaba ko kanina masaya pa rin.
Magkauwi ko sa bahay nakita kong nanonood si papa.
"O baby girl may bisita ka."
"Sino po?"
"Si Anne. Nasa likod."
"Naman."
"Goodluck. Haha!"
"Pa!"
"Puntahan mo na. Kanina pa yan dito."
"Opo."
Nagpunta na ako sa likod ng bahay. May mga upuan kasi kami doon. At presko rin lalo na malakas yung hangin.
"O bakit?"
"Masama bang dalawin ka?"
"Hay.. Napapagod ako. I want to rest."
"Ilang minuto lang. Please?"
"Alam mo namang wala tayong patutunguhan eh."
"I know. Just let me be. I just want to feel happy."
"Gusto kong masaya ka rin Anne. Pero it will be unfair for the both of us."
"I don't care. Please just let me be with you."
"E paano kung magkagirlfriend ako?"
"Then I will stop. Pero just let me be."
"Hay... Okay." at umupo na ako sa mahabang silya.
Tumabi naman siya sa akin at sinandal yung ulo niya sa balikat ko.
Hinayaan ko na lang siya. Kawawa rin naman kasi kakasunod sa akin. Ang mahalaga malinaw sa kanya na wala akong nararamdaman for her.
Pagkalipas ng 15 minutes tumayo na siya. Nakangiti na.
"Thank you. Gumaan ang loob ko. Sige na pahinga ka na. Uwi na ako."
Doon ko lang napansin na namumugto yung mata niya. At iba yung itsura niya sa Anne na kilala ko. Ang lungkot ng mata niya.
"What happen to you?"
"Wala na yun. I feel better now na nakasama kita kahit paano."
"What happen nga? Kaibigan mo pa rin ako."
"Si mom and dad kasi..,ahamsgdkfhrysndk..." hindi ko na naintindihan yung iba pa niyang sinabi. Umiiyak na kasi siya.
Narinig pala ni tita Beth kaya lumabas siya para tignan kami.
"Parents." bulong ko kay tita.
Nagets naman niya kaya bumalik na sa loob.
"Kaibigan mo pa rin naman ako. Kaya pwede mong sabihin ang lahat sa akin." bulong ko kay Anne habang hinahaplos ko yung likod niya.
"Shhh... Everything will be alright." pag-co-comfort ko pa sa kanya.
Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat ng nararamdaman niya.
Nang tumahan na siya ay hinarap ko yung mukha niya sa akin. Pinunasan ko yung mga luha niya. Kahit naman ayoko sa mga ginagawa niya sa akin kaibigan ko pa rin ito.
"Ayan ang pangit mo na tuloy." at inipit ko yung nahuhulog na buhok niya sa likod ng tenga niya.
"Mawawalan tuloy ako ng pagasa lalo sayo. Hindi na po iiyak."
"Asus.. Anne. Alam mo naman na kaibigan ang turing ko sayo. Pero ang tatandaan mo lagi akong nandito para sayo. Kahit tuluan mo pa ng uhog itong damit ko. Haha"
Biniro ko siya para naman gumaan yung atmosphere namin.
"Salamat babe. Lalo ata akong naiinlove sayo."
"Ayan ka nanaman. Okay na eh."
"Joke lang." sabay yakap sa akin. Yumakap na rin ako sa kanya.
"Uwi na ako."
"Ahm...siguradong sa inyo ka uuwi?" Kilala ko ito eh. Hindi siya sa kanila uuwi kapag nagaway ang mommy at daddy niya. Mayaman naman sila kaya hindi niya kailangan magwork pero sa tingin ko ginawa niya yun para makatakas sa bahay nila.
"Ahm... Itetext ko na lang si Joey sa kanila muna ako."
"Si Joey pa talaga. Baka kung anong gawin sayo nun! Dito kana matulog. Tsk!"
"Touch ako babe. Sige tabi tayo ha?"
"Aisus!!!"
"Joke ulit. I know na. I would rather have you as my friend."
"Ayan okay na ha."
"Yes ma'am!"
"Wait paalam ako kay papa."
Panaliwanag ko naman kay papa kaya pumayag siya. I know he trust me.
So pagkakain namin niyaya ko na si Anne sa room ko.
"Lika na sa room."
"Tabi ba tayo babe? Hehe."
"Asa. Sa bed ka sa baba ako."
"Hindi naman kita re-rapin eh. Haha"
"Gusto mo ng umuwi Anne?"
"Joke lang naman. Ang sungit mo talaga. Haha"
"Oh pahiramin kita ng damit ligo ka na."
"Pati panty mo?"
"Asar ka. Bago yan hindi ko na nagagamit!"
"Sarap mong asarin babe."
"Babe ka pa rin ng babe dyan akala kong malinaw na?"
"Oo nga. Alam ko naman. Pero just let me call you babe. Kasi kung gusto ka tagala ng girl ako muna ang kikilatis. Hehe."
"Asar ka! Maligo ka na nga!"
Sa wakas nakaligo na rin siya. Makakapagpahinga na rin kame.
"Babe promise dito ka na lang higa. Walang malisya."
"Bahala ka dyan!"
"I still feel so lonely. Promise last na ito. Sleep beside me. Please?" at nakapout pa at puppy eyes.
"Hay...okay. Last na ito."
"Yey!"
Parang bata. Umunan siya sa arm ko at yumakap sa akin. Feel ko naman na kailangan niya ng magpaparamdam sa kanya ng worth niya.
"Goodnight Anne. Last na ito ha."
"Ummm-hmmm...good night babe. Salamat."
"Yeah."