Pag dating sa bahay ayan na naman ang mga pinsan ko. Sinalubong ako.
"Erin, my natira ka ba dyan? Pautang naman oh." sabi ni Mark.
Ang pinsan kong wala ng ginawa kundi ang umutang. Pero wala pa akong naaalalang time na nagbayad siya kahit minsan.
"Oh ito. Bente lang ang natira."
"Grabe ka Erin kahit kelan napakakuripot mo." sabi niya sa akin.
Di na ako umimik at umuwi na sa bahay. Makalat na naman ang bahay ang tatay ko busy sa work ang step mother ko mukhang mainit na naman ang timpla.
"Erin? San ka na naman gumala? Waldas ka na naman ng pera kasama ang barkada no? Erin naman bakit hindi mo isipin ang mga pagod namin ng tatay mo sayo!"
Ayan na naman. Kaya ayokong tinatawag sa pangalan ko eh. Lage nalang negative ang naririnig ko after tawagin ang name ko. Hay... Okay naman sana itong si tita, masyado lang siyang mabunganga. Parang armalite. Isang salita ko pa lang nakasampu na siya. What I don't understand the most is that sa akin lang siya ganun.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya.
"Ah, tita akyat na ako sa room. Pagod po ako."
Nag dali dali na ako umakyat sa kwarto ko.
"Erin may sinasabi pa ako sayo eh! Erin?! Erin?!"
Blah blah. Hindi ko na pinakinggan ang pinagsasabi niya. Sinara ko ang pinto at nagpatugtog ng sounds sa phone ko. Habang nagpapatugtog napatingin ako sa desk ko. Pano kaya kung yung desk ko my time machine? Yung parang si Nobita at Doreamon lang. Yung tipong mabibisita ko any time from the past. What I want the most ay yung pagtira ako sa past kasama ko si mama. Sana totoo si Doraemon. Haha. Pero alam ko naman imposible talaga yun.
Naiinip ako kaya kinuha ko yung cellphone ko. Nagtext ako sa mga kaibigan ko, makikibalita kung saan ang gala mamaya. Habang nag hihintay ng reply binuksan ko ang tablet ko at naglaro ng paborito kong laro. Ang candy crush. Nakailang sweet at devine ako. Naiinis ako dahil isang jelly nalang out of moves pa ako. Hanggang maubos ang life ko. Maghihintay na naman ng ilang minuto. Haha, buti nalang nagring na ang cp ko. My tumatawag.
Calling...
Joey
"Hello? Tol. San tayo ngayon?"
"Sa bahay ko tol. Nandito na ang barkada akala namin busy ka kaya di ka na namin tinawagan. Lika na dito. Hinihintay ka ni April."
Narinig ko sa back ground sabay sabay silang nagsabing "uyyyy!"
"Heh! Manahimik kayo dyan. Mga 8 hintayin nyo ako. Pag pasok ni tita sa kwarto lalabas na ako agad. Baka pagalitan ako eh."
"Sus lage naman tol. Di ka pa ba imune? Haha! Dali na. Hintayin ka namin ha?"
"Sige tol. Bye!"
Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa baba. Nakita ko si tita na naglilinis pa sa sala kaya balik muna ng kwarto. Binuksan ko yung laptop ko at naginternet. Naisipan ko mag google at tinype ko ang name ng company na inapplyan ko. Nakita ko yung website nila. Pagka click ko ng apply online nakita ko yung picture ni Ms. Nath. Ang ganda nya talaga. Siya pala ang head ng recruitment. Ang ganda nya talaga. Napakakinis at napakaputi. Ang ganda niya talaga. Paulit-ulit lang noh? Eh sa maganda nga siya eh! Kaso ang weird nya eh. Pano naman kaya siya naging head ng recruitment? Mas matalino pa ata ako dun. Haha. Nag browse pa ako sa website. Tinignan ko kung magkano ang sasahurin ko. Ah pwede na siguro yung sahod na yun. Pag nahire ako gusto ko makilala itong Nath na to. Pwede kaya kame? Straight kaya siya? Ano kaya ang full name nya? Ano ba naman ang website na 'to hindi reliable. Di manlang nilagay ang full name niya. Iaadd ko pa sana sa f*******:. :D
Nainip na naman ako kakahintay sa time kaya lumabas ako sa kwarto at sumilip sa sala. Yes swerte! Wala na si tita. Hinanda ko na mga gamit ko. Naglagay ako ng damit sa bag ko. Pabango, make up toothbrush. Dun nalang ako kina Joey mag papaganda. Lahat ng gadgets ko nilagay ko din. Mainipin ako eh. Kakaylanganin ko ang mga yun sa kainipan ko. Naglakad akong nakapatingkayad para hindi marinig ang paa ko. Tapos nung napadaan ako sa fridge binuksan ko ng unti unti para kumuha ng mga pagkain tapos naglakad ako ulit unti unti at hay!!! Nasa garahe na ako. Hinay hinay ko tinulak yung motor ko sa daan, nakakapagod nga eh. Tapos naalala ko wala pala yung susi ng motor ko kinuha ni papa. Grrr!! Pano ito? Asar naman kasi niregalo niya sa akin yung motor so it means na sa akin na yun pero kapag may nagawa akong ayaw niya ay tinatago yung susi. Kinalkal ko yung bag ko at kinuha yung ibang mga susi. Lahat ng susi sinbukan ko pero ayaw talaga eh. Hindi parin ako sumuko. Kinuha ko ulit yung isang susi na kamukha ng susi ng motor ko at success. Sumindi ang motor! Pinaandar ko na agad ng mabilis at nakalayo na sa bahay. Yes! Success ang galing ko talaga. Habang nagdadrive ako nakita ko yung kotse ni papa at magkakasalubong kame pag nagkataon buti na lang at curve and dadaanan niya at nauna ko na siyang nakita. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa Volks na super luxurious tignan dahil pure black with white lining and bright blue headlights tapos topdown pa. Si papa lang ang may ganun dito sa lugar namin. Buti nalang napansin ko. Nakahelmet naman ako kaya baka hindi nya ako agad nakilala. Kinakabahan na ako kasi baka pag lapit niya makilala nya ako. For sure grounded na naman ako pag nagkataon. Ang ginawa ko lumiko ako sa talahiban. Nakikita naman yung main road dahil sa mga ilaw na galing sa street lights at mga 5 minutes lang na rough road nasa sementadong daan na ulit ako. Dun nalang ako magshoshort cut para naman makalusot maliwanag naman ang ilaw ni baby Amber. Bakanteng lupa yung dadaanan ko pero kaya naman yun ng Honda XR ko. My baby is built high para sa mga ganun klaseng daan kaya sisiw lang yun. Dineretso ko yung motor ko. Success! Hindi ako napansin ni papa. Sanay na ako sa mga ganito. Lage ako nakakalusot. Bakit kasi napakastrict nila eh ang tanda ko naman na! Hays. Tinuloy ko lang ang pagdadrive. Asar! Puro putik nga lang dito. My baby Amber will be filled with mud. Sayang ang tire black na ginamit ko dito. Ayoko pa namang may alikabok o putik na malalagay sa motor ko. Palagi ko itong pinupunasan. Ang alam ko shortcut ito dahil may mga marks na may nagdadaan na sasakyan dito. Pag tumingin ka mula sa umpisa ng daan na ito matatanaw mo ang na ang main road papunta kila Joey. Hindi ganon kalayo. Habang nagdadrive ako nagtataka ako bakit hindi ko mahanap ang simentong daan? Bakit parang napakaluwang ng dinaanan ko? Hindi na ako makaalis dito. Bigla naman ako kinabahan baka naman ang drama ko eh yung parang napanood ko sa movie na The Road. Hindi ako huminto sa pagdadrive. Kinakabahan na ako talaga eh. At ilang minuto na rin akong nagdadrive pero bakit hindi ko pa rin makita yung dulo nitong short cut. Asar! Long cut nga yata ito eh! Tinignan ko ang relo ko at 8pm na. Sabi ko pa naman sa tropa by 8pm nandun na ako.
"Gen, hindi totoo ang enkanto.." Sabi ko sa sarili ko.
Parang nawawala na ako. Medyo concious ako sa paligid kasi baka my bigla lumabas na mumu.Kakatakot kaya yun.
This is hopeless! Sabi ko sa self ko. Hininto ko yung motor. Kinuha ko yung phone ko. Magpapasundo ako sa tropa ko. Tinignan ko ang cp ko. Hanep ah. Walang signal? Kinabahan na ako talaga, nanginginig na ako sa takot. Minumulto yata ako. Karma ko yata to.
"Lord! Patawad. Pagkat ako makasalanan makasalanang nilalang!" Kumakanta ako para mawala ang takot ko. Kinuha ko yung tablet ko. Baka my signal eh. Wala din pala. Ano ba to Lord! Naengkanto na ata ako?
Tinulak ko yung motor ko at naglalad-lakad ng konte para makapag isip ng gagawin.
So far wala pa naman ako nakikitang mumu or enkanto o kaya aswang. Hay salamat naman. Napagod na ako sa pagtutulak ng motor kaya sumakay ako at pinaandar. Hindi ako mabilis nagdrive sa ngayon. Pinagpatuloy ko lang hangang sa nakakita ako ng pag asa!
At ayun phonebooth! Weird bakit may phonebooth sa gitna ng talahiban? Ihh ayoko lumapit! Baka parang yung sa napapanood ko yan sabi ko.
Nilagpasan ko yung phonestand. Tinignan ko sa side mirror at napansin kong wala naman kakaiba dun. Kaya binalikan ko. Tatawag nalang ako sa tropa ko.
Bumaba ako sa motor at nag hanap ng barya. At nakahanap ako ng barya sa bulsa ko. Yung sukli ko kanina sa bus. 44 ang pamasahe ko kanina eh nainis ako sa kundoktor dahil sinuklian yung 100 ko ng 20 at the rest barya na. Salamat naman pala sa kundoktor at barya ang binigay at buti na lang hindi ko binigay lahat kay Mark yung natirang pera ko. Kinuha ko yung handset at nilagay sa tenga ko. Wow swerte umilaw yung phone. Ibig sabihin gumagana. Hinulugan ko ng barya at biglang may nag salita. Nagulat ako.
"Welcome! For english press 1, para sa tagalog pindutin ang 2, para iti ilocano pindutem ti 3, para keng kapampangan pindutan me ing 4."
Natawa ako. Ang wirdo ng teleponong ito. Pinindot ko ang 2. Malamang tagalog mas madali intindihin.
"Salamat sa pagtawag! Ito ay isang kakaibang telepono. Kung nais mong mapunta sa past press 1 kung nais mo sa future press 2. Para bumalik sa main menu, press 0."
Natawa na naman ako. Nag hanap ako ng hidden camera kasi baka joke lang ito pero wala ako mahanap. Nakakatawa talaga ang wirdo ng mga bagay ngayon.
Sige nga pinindot ko ang 1.
"Para pumunta sa eksaktong lugar at date pindutin ang area code at and taon na gusto mong balikan. "
Haha nakakatawa talaga. Hindi ko pinansin ang sinabi nya, tama na nga!
I-da-dial ko na sana yung number nila Joey pero nagsalita ulit yung automated lady.
"Para sa eksaktong oras ng pupuntahan, i-set ang relo sa nais na oras."
Whatever. Nagdial na ako ng number area code at yung number nya.(431-1898)
Nagulat ako dahil parang vacuum cleaner yung telepono at gusto niya akong higupin papasok. Sumigaw ako ng malakas sa takot. Lumabas ako ng dali-dali at kumapit ng mahigpit sa motor ko. Hindi ko nakaya ang force na humihila saakin kaya bumitiw na ako. Pakiramdam ko parang nahuhulog ako mula sa 100th floor ng isang building. Yung pakiramdam na yung puso ko nasa tuktok pa pero yung katawan ko bumabagsak na. Imaginin mo rin yung pakiramdam kapag pabagsak na yung rollercoaster. Ganun! I tighly closed my eyes. Nung hindi ko na nararamdaman na parang nahuhulog ako I slowly opened my eyes. Walang akong makita nung una. Napunta ako sa isang lugar na napakadilim. Ang makikita mo lang ay kanto na my sign board. Yung una number1, lumakad ako at sa pangalawang kanto may number 2, lakad pa ako. Sunod sunod ang number hanggang 12 yung kanto. Yung mga kanto magkakalapit lang. Ang weird talaga ng lugar na 'to. Sa pinaka unahan ng mga kanto sa may left side may nakasulat na, "Huwag baguhin ang Nakatadhana. Ang Nakatadhana ay Nakatadhana." hala nakakatakot naman. Creepy. Walastik na welcome board yun ah. Panaginip siguro ito. Bakit hindi ko sakyan ang panaginip ko? Aha! Pumasok ako sa isang kanto. Yung number 7 pag pasok ko sa 7 may panibagong number ulit magkakasunod na pinto hanggang 30. Haha. Ang galing ng panaginip ko. San ko kaya nakuha? Pumasok ako sa 21th door. Pagbukas ko ng pinto ay madilim pa rin ang nalikaran ko. Akala ko nga nasa same place pa rin ako pero nakita ko ang mga ilaw mula sa hand made torch sa di kalayuan. Nakita ko ang grupo ng mga lalake na parang sinaunang tao na nakikita sa history book. Naisip ko parang kasali sila sa linggo ng wika sa mga suot nila. They are wearing kamiseta tapos may panyong red na pabaliktad na nakatali sa leeg nila.
"Mabuhay ang Pilipinas!!" sabi nila sabay taas ng mga itak. Ang weirdo talaga ng panaginip ko. Umiral naman ang pagkausisero ko kaya nakinig ako sa mga usapan ng mga tao. Kaninang umaga pala iwinagayway ni Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na simbolo ng ating kalayaan.
"Mabuhay!"
Natawa ako sa panaginip ko. Siguro dahil napatingin ako kanina sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit nung pauwi ako galing Manila. Panaginip ko naman ito kaya makikisali ako, lumabas ako sa pinagtataguan ko at nakimabuhay ako.
"Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay! Yehey! Whooo!" sabi ko.
Natigil sila at nagulat. Napatingin sila saakin.
Yung kanilang pinuno sumigaw.
"Isang banyagang espiya!! Hulihin siya!"
"Wow ha! Espiya agad! Hindi pwedeng nakikijoin lang?"
Hindi na ako nakapagreact ulit kasi nagulat ako! Kasi nag akma silang kukunin ako kaya ang ginawa ko tumakbo ng mabilis pabalik sa pinaggalingan ko. Wala akong makita kaya kinapa ko sa bulsa ko yun cellphone ko. Ginawa kong flashlight.
Narinig ko yung isang lalakeng nagsalita.
"Pinuno! Meron siyang kakaibang sandata at mukhang mapanganib ang babaeng ito."
Aha! Nakaisip ako ng idea!
Tumigil ako sa pagtakbo.
"Oo! Mapanganib ito sabi ko."
Itinapat ko sakanila ang ilaw at takot na takot ang itsura nila.
"Tumigil kayo dyan huwag kayong lalapit kung hindi matitikman nyo ang bagsik ng sandatang ito sabi ko."
Haha nakakatawa dahil napatigil talaga sila. Naglakad ako ng kaunti at nakita ko na yung pintong pinanggalingan ko.
Nagtangka na naman lumapit ang isa sa mga lalake.
"Aba! Matigas ang ulo mo ah!" sabi ko. Nilakasan ko ang volume ng cp ko at nagpatugtog ng ringtone. Nagulat siya.
"May kakayahan itong musikang ito na kontrolin ang utak nyo."
Sa takot nila ay nagtakbuhan palayo saakin. Nakakatawa talaga ang panaginip na to. Haha. Pag pasok ko sa pinto parang yung paligid ko umiikot madilim at ang bilis ng ikot at bigla bumagsak ako sa motor ko. Aray. Galing ba talaga ako sa loob ng telepono?
Ano ba yun. Panaginip lang ba yun? Parang totoong nangyari eh. Pinaandar ko yung motor ko. Parang pagod ako kaya hindi ko na plano pang pumunta sa tropa ko, nagdrive ako at saglit lang nakalabas na ako at nakapunta sa simentong daan. Napaka wirdo ng gabing ito. Umuwi na ako saamin. Nakita ko ang motor ko na napakadumi. Her black and yellow paint are slighly visible dahil sa putik. Tapos yung stickers niya ay hindi na rin kita. Parang dinaanan nu mud storm si Amber ko. Yung mga gulong rin ay ganoon. Bukas ko na nga lang lilinisin ito.
Totoo kaya yun? Napadpad ako sa past? Parang time machine? Hindi ako makapaniwala. Kung totoo yun babalikan ko bukas. Malay mo makita ko ang mama ko sa past.
Bumangon ako nag shower at nagbihis. At natulog na ako.