Chapter 9

639 Words
Nath's POV The next day sa office--- "Wow! Inlove ka ata Nath! Blooming ah!" bati ni Angie na assistant ko. "Lagi naman akong in love." sabi ko. "Weh, iba ka talaga ngayon. Nagpropose na ba si Dave?" pangungulit niya. "Magtrabaho ka na nga at wag mong problemahin ang love life ko! Haha!" natatawa kong sabi. Nang mapagisa na lang ako sa table ko napaisip tuloy ako. Bakit nga ba ang gaan ng pakiramdam ko ngayon? Hmmm... Is there something to look forward to? Gen's POV "Morning tita! Si papa?" bungad ko kay papa pagkalabas ko ng room ko. "Morning din Erin, ayun maagang umalis may meeting daw kasi mga managers ngayon. Kain na." "Ahh...sige po." Pagkatapos kong kumain ay naligo at nabihis na ako kasi pupuntahan ko pa si mama. "Oh Erin akala kong 2pm pa ang lakad mo. Ang aga mo yata?" "Ahh tita may dadaanan pa po kasi ako. Alis na po ako." "Sige. Ingat ka." Nagdrive na ako papunta doon sa phonebooth. Kung dati sobrang creepy ng lugar na ito ngayon naman nae-excite ako sa pagpunta dito. "Welcome! For english press 1, para sa tagalog pindutin ang 2, para iti ilocano pindutem ti 3, para keng kapampangan pindutan me ing 4." Pinindot ko naman ang 1. Tapos, "Salamat sa pagtawag! Ito ay isang kakaibang telepono. Kung nais mong mapunta sa past press 1 kung nais mo sa future press 2. Para bumalik sa main menu, press 0." Same lang ang ginawa ko hanggang sa mahigop ulit ako ng telepono. Naramdaan ko na lang na nasa past na ako. Parang naging sepia kasi bigla yung kulay ng paligid. Haha! Dali-dali akong nagpunta sa luma naming bahay. Nakita ko naman si mama na nagsasampay ng mga damit sa labas. "Oh ikaw pala yan! Buti nman at naadalaw ka?" "Kamusta Irene. Kasi ano, magiging busy na ako nyan nagkatrabaho na kasi ako sa Manila. Kaya hindi na kita mabibisita dito ng madalas." Parang nakita ko namang nalungkot si mama. Nataranta tuloy ako. "Kapag dayoff ko naman palagi akong pupunta dito. Baka ikaw pa nga ang magsawa sa pagmumuka ko eh." pabiro kong sabi. Doon naman siya napangiti. "Nakakalungkot lang kasi wala na akong masyadong makakakwentuhan. Pero masaya pa rin ako para sayo. Aba iba ata kapag sa Maynila ka nagkatrabaho." mahaba niyang paliwanag. "Buti naman kung ganoon. Hindi pa man ay namimiss na kita." "Kami rin ni Erin, mamimiss ka namin. Halika muna sa loob. Buti pala may niluto ako. Kain ka muna bago ka lumuwas. At ayokong tumanggi ka ha." Wala naman akong magawa kundi ang sumang-ayon kaya pumasok na rin ako sa bahay. Parang may iba sa bahay ngayon. Maraming nadagdag na gamit at ginagawa na pala yung kabilang parte ng bahay kung saan ang kwarto ko. "Wow. Nagpapagawa pala kayo ng bahay." "Ay, oo. Si Erik kasi napromote sa trabaho niya. Kaya itong si Erin ay magkakaroon na ng sariling kwarto." sagot naman ni mama habang buhat ako. "Erik! Halika muna dito! Nandito si Gen yung palagi kong naiku-kwento sayo." biglang sigaw ni mama. Hala ka! Nasa bahay pala si papa ngayon. "Magandang araw sayo. Ikaw pala ang bagong kaibigan nitong si Irene at Erin. Salamat sa pag-tulong mo sa mag-ina ko ha." "Wala po yun papa n-ni Erin." sagot ko. Muntik ko na siyabg matawag na papa! "Halika kain kana dito sa amin. Para naman makabawi ako sayo." alok niya. Kumain naman ako sa bahay. Napakasayang tignan kung paano asikasuhin ni papa at mama ang isa't isa. Nararamdaman ko rin kung gaano nila kamahal si baby Erin. Inspirado tuloy ako sa work. Pagkakain ay nagpaalam na akong umalis. Eat and run ang peg eh. Haha. Pero sa totoo lang baka kasi malate ako sa appointment ko sa office. Mas maganda na yung maaga ako doon. Baka sakaling makita ko rin ng maaga si Nath. Haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD