Chapter 26

2211 Words
Nath's POV So after ng family meeting at konting biruan almost 11 na pala. Kailangan ko ng magpaganda para kay Erin. I took a bath at nagbihis. I just wore a simple pink dress that is knee lenght. I asked my mom to do a crown braid on my hair. A lillte bit messy but with elegance sabi nga. My mama left few strands of hair just hanging ang swaying in the air para daw maganda I put a little make up. Actually konting blush on at lipgloss lang at pabango. Syempre gusto natin aside sa pagiging maganda dapat mabango tayo. Time check. 11:30am. So may 30 minutes pa ako para makarating sa sm. I picked my pouch at nagpaalam na kila mama. "Good luck sa date baby!" sabi ni mama. "Wow naman! Ang ganda ng princess ko. Uwi ng maaga ha?" Si papa naman. "Pa hindi pa nga ako nakakaalis uwi na agad sinasabi ninyo. Haha. Don't worry maaga po ako uuwi. Bye na ayokong malate sa movie date ko." Sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama at papa. So sumakay na ako ng taxi na pinatawag ko kanina. Syempre kung tricycle o jeep ang sasakyan ko masisira ang porma ko. Hihi. ;) After 15 minutes nasa sm na ako. I texted Erin kung nasaan na siya. Sabi niya pumunta na lang ako sa Chef John's Resto. (Imbento ni writer ang resto ^_^ ) Naman! Ang mahal ng resto na yun ah! Kami nga nila mama apat na beses pa lang kumain doon. Una at pangalawa nung wedding aniv nila papa at next yung graduation ko ng elementary at nung nanalo sa quiz bee si Nick. At eto pa. Kailangan ng reservation para makakain dun. Kaya sobrang nagulat ako nung sinabi ni Ein na dun ko siya puntahan. Naglakad na ako papunta sa Chef John's. Tinanong ako nung babae sa labas ng resto kung may reservation daw ako. Hindi naman sure kung meron na si Erin. "I am with Erin Jaime." Sabi ko. "This way ma'am." Sabi nung isang waiter na dumating. Naglakad na kami papunta sa table na kinauupuan ni Erin. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita agad. Wow! Nakadress din siya. Haha. Ang cute! Strapped yellow dress na plain and her hair was curly. Likod pa lang nakakatulo laway na. Paano pa kaya kung nakahapar na? "Ma'am your companion is already here." Sabi nung waiter. Ang taray talaga ng resto na ito! Nasa loob ng sm pero feeling mo nasa isang worlclass resto ka. English speaking pa ang mga crews. Umupo ako sa harap ni Erin. Kung yung sa likod niya wow na times 10 billion pa ngayong nakaharap na. Her thick lashes were enhanced by the mascara she wore and gave emphasis to her beautiful eyes. A little bit of blush on that just made her cheeks a lot more rosy than a pink rose. Tapos I think pink lipstick too that will make you want to devour those oh so damn sexy lips. Sabayan pa ng smile niya na super deadly. Kasi feeling ko nasa heaven na ako ngayon at katapat ko ang pinakamagandang angel eh. "Order muna tayo." Sabi niya. I can smell her from where I am seated. A very soothing smell of vanilla. "Nath what do you want?" Sabi niya. "You." Sagot ko. Huli na ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. Para itago ang kahihiyan kunwari binasa ko ang menu at yumuko. I can feel kasi na sobrang init ng face ko. I know parang kamatis na sa pula ang mukha ko. "I m-mean i-ikaw na b-bahala magorder." Oh my! Nauutal na talaga ako. Kahiya! So nagorder na si Erin at umalis na yung waiter. "Paano ka pala nakakuha ng reservation dito?" Tanong ko. "Nung inaya mo ako na magmovie out. I already thought of asking you to have lunch with me. Hindi ko lang sinabi sayo agad kasi surprise." Sabi niyang nakangiti. Nung nagsabog ata ng kagandahan at kacutetan sa mundo isang olympic size na pool ang gamit ni Erin at nakuha niya lahat. Ganda talaga! "Ahh..."sagot ko. "So ako pala ang gusto mo." Nakangiti pa rin siya at nakatitig sa mga mata ko. I remembered how supportive my parents were ng magtapat ako. And that made me so confident now. "Yes. I. LIKE. YOU." straightforward kong sagot. "That's good then." Sagot niya. Wait lang readers. I am confused. "That's good then."  yun ang sabi niya di ba? So meaning? Sorry slow lang. Napansin ni Erin na isang malaking question mark ang makikita sa face ko. "I mean I. LIKE. YOU. TOO." sabi niya with emphasis on every word. High jump, low jump, bungee jump, kanggaroo jump at kung anu ano pang uri ng jump ang ginawa ng puso ko. Sabihan ka ng isang half angel at half goddess (kung may ganoong uri ng nilalang nga) na gusto ka rin niya baka mas malala pa ang reaction ng puso mo. "Good to hear that." sagot ko na nakasmile. She smiled back. Parang timang lang di ba? Ngitian kami ng ngitian. Haha! Dumating na yung order namin. We started eating the mouthwatering food that was served to us. Nagkwentuhan din kami tungkol sa kahit na ano. Tapos sabi niya siya daw magpapaalam kila mama para payagan ako sa camping. "Sus. Ayaw mo lang ako mamiss eh." Sabi ko. "Tama. Kaya kung pwede later ako ang kakausap sa parents mo." Sabi niya. "Galingan mo sa pagconvince ha. I also don't want to miss you." Sagot ko. "So. When did it came to you that you liked me?" Tanong niya. "Since the first time I saw you. Eh ikaw?" "Same here. I really like you." "Kaya pala panay ang tingin mo ha. Akala mo hindi ko pansin. Spy kid." Sabi ko. Nakita kong nashock siya. Haha! This is the time that I waited the most! Yung makita ko ang reaction niya kapag nalaman na niya na siya si spy kid. Haha! "Why spy kid?" "Remember nung ipakita mo yung gadgets mo. Sabi ko paranug spy lang. So I thought of calling you spy kid." "Nainis pa ako who the heck spy kid was. Yun pala ako yun. Haha! Nice one Nath." "Ako din naman nainis. Focus on your studies daw pero ang comment sa ibang classmate ko totally the opposite of what you wrote to mine." "Eh nagselos ako eh." Sabi niya tapos nagblush. Heaven! Lahat na lang ba ng gawin ni Erin kikiligin ako ng husto?! "Cute. Walang dapat ipagselos si Miss Erin Jaime kasi siya lang ang gusto ko. Please tell her that." So tapos na kaming kumain. Niyaya ko na siyang magpunta sa movie floor kasi maguumpisa na yung first showing. Habang naglakakad kami kinuha ko yung kamay niya at hinawakan. Holding hands lang eh. Sarap ng feelibg ng kamay niya towards mine. Every gap in may fingers were completed by her. It felt so right though I know it is wrong. Sabi nga di ba kung ano yung bawal sa mata ng tao yun ang masarap. That is exactly what I feel now. Ahh basta! Enjoy nga daw di ba? I saw na nagulat si Erin. Hihi. Hindi naman kasi ako ganito kaopen sa feelings ko sa kanya. "What?" Tanong ko. Habang naglalakad kasi kami nakatitig pa rin siya sa akin. "Wala naman." "I like how your hands feel against mine." Sabi ko. Blush naman si Erin. Bumili na siya ng tickets para sa The Hunger Games Catching Fire (masyado pong excited si writer na mawatch itong movie eh. Inunahan yung showing date. ^_^) sabi ko nga sa kanya magbibigay ako pero ayaw niya. After niya bumili doon ko napansin yung dala niyang paperbag. Ano naman kaya ang dala nito sabi ko sa isip ko. Pumasok na kami sa loob ng movie house at naghanap ng magandang pwesto. Sa bandang itaas namin napili para hindi masakit sa leeg kapag ganun. We were waiting for the movie to be played. Naka-on pa yung mga ilaw kaya nakikita ko pa rin si Erin. Wow. Yan lang talaga ang masasabi ko. "Matutunaw ako." Sabi niyang natatawa. "Hah. Puro ka talaga biro. I just want to look at you. Swerte ko kaya. Yung mga guys pati girls napapatungaga sa ganda mo eh." "Aisus! Sayo kaya sila nakatingin." Sabi naman niya. "Malas lang nila akin ka na at swerte ko naman at ako ang kasama mo." Speechless. Ayan nakabawi na ako sa pagiging speechless ko kagabi. Haha! Nagumpisa na ang movie. Habang puro trailers ng movies pa ang nakaplay ay kinuha ko ulit yung kamay niya at hinawakan tapos pinatong ko sa lap ko. She just smiled to my gesture at hindi niya inalis ang kamay niya. After few minutes naramdaman ko na malamig. The heck! Nakalimutan ko magdala ng jacket. Nakaramdam naman si Erin at kinuha niya ang laman ng paper bag na dala niya. Inabot niya sa akin yung isang jacket tapos sinoot niya yung isa. "Thanks babe." Bulong ko sa tenga niya. Bwahaha! She snapped her her towards me. I know I just made her blush again. Nanood na kami ng movie. Ang bango naman nitong jacket ni Erin. Amoy na amoy ko siya. Eto yung trade mark niya eh. Sensual vanilla. Umusog ako palapit sa kanya and I placed my head sa shoulder niya. Ramdam ko nanaman na nagulat siya. Pero hindi naman niya inalis. Hay.. this feels like heaven. Katabi mo yung mahal mo. Wait! Mahal? Tama ba nasabi ko? The last time I checked my heart crush ko lang siya. Sabagay, hindi na ako dapat pang magulat dahik hindi mahirap mahalin si Erin. Hindi mahirap na mahulog ang puso ko sa kanya. So as mama said, enjoy ko daw kung ano ang meron ako. So I will certainly enjoy this moment. Forever ko na itong itatago sa puso ko. Kahit na sobrang gusto ko yung movie halos wala ako maintindihan kasi nakafocus ako kay Erin. Hinihintay ko yung bawat paginhale niya. Bawat kilos niya. Mas masarap pa nga siyang panoorin eh. "Hey hindi ka naman nanonood." Bulong niya. Grabe I smelled her breath. Ang bango. Ang alam ko hindi naman siya nagtoothbrush pagkatapos namin kumain. Yun pa lang nakakapanghina na ng tuhod. "Mas masarap ka kasi panoorin eh." Sagot ko. "Eh tara na pala hindi ka naman nanonood." Yaya niya sa akin. "No. I want to stay like this kahit hanggang matapos lang yung movie." Sagot ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Okay." Sabi niya. Pinagpagtuloy namin ang panonood. Siya sa movie at ako naman sa kanya. Adik lang eh. At natapos na rin ang movie. Nagumpisa ng magsi-alisan ang mga tao. We waited na makalabas ang iba. Ayoko naman din makipagsiksikan sa dami ng tao. Ang konti na lang ang mga tao ay tumayo na ako ang I have her my hand para tulungan siya tumayo. She gladly grabbed my hand and smiled. Tapos naglakad na kami palabas ng movie house. "Saan mo gusto pumunta?" Tanong niya. "Ahm.. punta tayo sa bahay mo." Sabi ko. Mas safe na dun. May makakita man na pumunta ako hindi naman nila iisipin na may something sa amin. I know how judgemental other people thinks. Since mga 3pm pa lang pumayag naman siya. Syempre sumakay kami ulit ng taxi. Ayaw masira ang porma eh. Habang nasa taxi hinawakan ko ulit yung kamay niya. Ngumiti ako sa kanya. "Hindi ako mawawala." Sabi niya. "Alam ko. May name tag ka na kaya. At kapag nawala ka saakin ka nila ibabalik." Sagot ko. "Haha." Tumawa lang siya. "Speechless." Natatawa kong sagot. "Sinong speechless?" Sabi niya. "Si Miss Erin Jaime po." Sagot ko. "EWAN SAYO! Manong driver dyan na po sa tabi para na po." Pangiiba niya ng usapan. Bumaba na kami ng taxi at pumasok na sa bahay niya. Umupo ako sa sofa niya. Nagpaalam siya na magpapalit muna daw ng damit. "Wag ka na magpalit. Dito ka na lang sa tabi ko." Sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa sofa pero medyo malayo sa akin. "Hala. Ang layo mo babe. Hindi naman kita kakagatin eh. Lapit ka na dito." Sabi ko. "Kanina ka pa ha. Bibingo ka na sa akin. Haha." Sagot niya at lumapit sa akin. "Kung ikaw ang prize talagang gusto kong manalo sa bingo ah." Sagot ko naman. "Ayan isa na lang bibinggo ka na talaga." Sabi niya. "Babe." Sabi ko na nakasmile. "Bingo!" Sigaw niya na nakasmile. "Asan na prize ko?" Seryoso ko namang sabi. "Ano nga kasi gusto mo?" Tanong niya. "Ikaw nga." Seryoso kong sagot. "Haha. Pinapatawa mo ako eh." Sabi niya. "Edi mas okay pala kung napapatawa kita. Lika dito sa tabi ko. Gusto ko sumandal sayo." Sabi ko. Lumapit naman siya. Nagpalit kami ng puwesto. Pinaupo ko siya sa corner ng armrest at sandalan para confortable pa rin siya. Sumandal na ako sa kanya. Sarap sa feeling. Yung pakiramdam mo ay sobrang safe ka at feeling loved. Pumikit ako habang nakasandal sa kanya. Tapos holding hands ulit. "Nath you know that we need to talk, right?" Sabi niya. "Yeah I know. Pero pasandal muna. I just want us to be like this and think about nothing." Paliwanag ko. "Alright." Sabi niya. "Hug me please." Sabi ko. Wala nang sabi-sabi pa at niyakap na niya ako. End of Chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD