"Hello?"
"May I speak to Miss Genesis Reyes?" sabi ng boses sa kabilang line.
Wow lang makapagenglish itong kausap ko.
"This is Genesis. What can I do for you?"
"I'm Nath from TalkANet Recruitment. We would like to inform you that you passed all the exams and interviews and we would like to welcome you as a part of the company. Please go to the office tomorrow at 2 in the afternoon for contract signing, orientation and for the schedule of your training."
Wow! Si Nath pala ito. Grabe nakakainlove yung boses niya sa ganda. Ilang weeks din na hindi ko naalala si Nath dahil sa naging busy ako kay mama. Pero ngayong narinig ko yung boses niya nagrigodon nanaman ang puso ko.
"Ahm... Ms. Reyes, are you still there?"
"Ahh yes. I'll be there tomorrow."
"Alright. All set then. I personally welcome you to the company. See you tomorrow. Bye!"
"Thanks. Bye."
Yun lang at nawala na yung kausap ko. Hala... Hangang ngayon naman e kung makatibok itong puso ko wagas. Iihh... Kinikilig ako. She personally welcome me daw at magkikita kame bukas. Can't wait!
"Oh Erin, makangiti ka dyan parang wala ng bukas." bati ni tita Beth.
"Tita may good news kasi ako. Natanggap ako sa inap-plyan kong trabaho. Bukas na yung contract signing!"
"Wow! Magandang balita nga yan. Siguradong magiging masaya ang papa mo. Congrats!"
"Thanks tita."
Dali-dali ko ring tinawagan si papa at ibinalita ang new job ko. Natuwa naman si papa dahil ang anak niya ay sa wakas may trabaho na rin. Alam ko naman hindi dahil pabigat ako kundi dahil proud siya na may direction na ang life ko 'di tulad dati na puro barkada lang. Nagyaya si papa na kumain sa labas. Syempre sino ba namang aayaw sa libre kaya gora na kami. Sa SM na lang kami magkikita since doon naman nagtatrabaho si papa.
Naglalakad na kami ni tita Beth sa SM Bacoor ng may makita akong familiar na babae. Sa lahat naman ng araw ngayon ko pa nakita itong babaeng ito! Medyo humiwalay muna ako kay tita Beth at sinabing magkita na lang kami sa restaurant. Malamang na lalapitan ako nung nakita kong babae kaya mas mabuti ng hindi ko kasama si tita.
"Gen!" sigaw nung babae.
"Hey." matabang kong sagot.
"Miss mo ako? Namiss kita ng sobra. Bakit hindi mo na ako tinatawagan?" malanding sagot niya.
Hinila ko siya sa walang masyadong tao dahil nakakahiya kung paano siya kumapit sa akin.
"Anne hindi ba nag-usap na tayo na we don't have any romantic connection?"
"Babe... Ang sakit mo namang magsalita. You know how much I love you."
"Shut it! May girlfriend na ako! So leave me alone." yun lang at nilayasan ko na siya. Epsl lang talaga. Nilapitan pa kasi ako okay na sana ang araw ko may panira talaga. Kahit wala naman akong girlfriend talaga ay sinabi ko na yun para layuan na ako ng babaeng yun. Parang linta makadikit eh. Once ko lang naman siya nakasama sa party ng barkada.
I admit I flirted a little with her pero yun lang yun. Nilinaw ko naman sa kanya na wala akong planong makipagcommit. Bago pa ako makalayo ay sumigaw pa siya.
"Better show her or I won't leave your pretty ass!"
Then I went to the resto kung saan qkami kakain. I told papa na sa call center ako magta-trabaho. Nung una ay parang ayaw niya dahil sa panggabi ang trabaho pero naconvince ko naman siya. I guess umiiral lang ang pagiging tatay niya.
Our dinner went well. Nagkwentuhan lang kami at ng matapos na ay umuwi na. I am very happy at alam kong happy din si papa dahil sa nagiging close na ako sa kanila ni tita Beth.
Pagkauwi ay diretso na ako sa room. I took a bath at humiga na sa bed. Gusto ko rin sanang ipaalam kay mama ito pero gabi na at magtataka lang yun kapag pumunta ako doon. I'll just go there in the morning bago ako pumunta sa office.
Parang hindi rin ako makakatulog nito ah. Una, dahil sa I'm all hyped dahil sa saya ng pagkakaroon ng unang job. Second is dahil sa nakausap ko si Nath. Yung babaeng yun sobrang iba ang epekto sa akin. I admit nung una parang ang weird niya pero sa tuwing maaalala ko yung maamo at napakaganda niyang face na talbog pa ang kagandahan ng isang dyosa ay parang daig pa ng nakainom ng isang drum na Sting sa sobrang lakas ng t***k. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito.