"Whhaaaatttt?" tili pa nito.
Napatakip naman ako sa magkabilang tenga ko sa ginawa nyang pag tili.
"Paano nangyari yun?" takang taka pa nitong tanong sa akin. Seryoso syang nakatitig pa sa akin, naghihintay ng sagot.
"ahhmm one night nag s*x kami tapos fertile pala ako kaya ayun, nabuntis?" sagot ko naman sa mga tanong nya
"Ay siraulo ka talaga noh? alam ko yan gaga kahit hindi ko ginagawa yan, yuck kadiri eewww. Ang tinatanong ko kung paano kayo nagkabalikan? Ano nangyari?" tanong nyang kakamot kamot pa sa gilid ng leeg nya. bakas sa boses yung pagkairita na sa mga sagot ko at pagka bwisit na rin siguro sa mga naging desisyon ko.
"5 months ago, nagkita kami sa birthday ni Boss A. Ayun nagkausap ulit, nagkaintindihan. Ang lola mo marupok, kung minsan sa condo nya ako tumutuloy"
tugss another batok
"Bakla ka nakakarami ka na ah. Sisiraan kita sa mga kilyente mo lalo na kay James Reid" Banta ko sa kanya
Biglang lapit sya sa akin at hinihimas himas pa ang ulo kong binatukan nya.
"Joke lang naman sis, ikaw naman dika na mabiro" tuloy tuloy pa rin sya sa paghimas sa ulo ko habang pilit ang ngiti pang nakatingin sa akin.
"Eh teka, diba kinasal na sya? Di ba sabi nya magkakaanak na sya? So ano, kabit ka nya ganun? Di lang pala marupok ano, Martyr din sis." nakapamewang nyang baling sa akin at nagpalakad lakad pabalik balik.
"Hindi sya kinasal sis, yung nag text sa akin noon, galing daw yun sa mama nya. Hindi nila kasi ako gusto. Wala rin syang anak in short gawa gawa lang ng parents nya yung text." litanya ko naman sa kaibigan ko.
"Eh pero ilang taon ang lumipas, bakit ngayon lang sya nagpakita?" muli tanong ulit ni Noel. Hindi sya kumbinsido.
"Pinahirapan daw sya ng parents nya. Pinagtrabaho sa kumpanya, hindi pinagamit ng kahit anong gadget kaya ayun. Still wala syang anak at hindi sya kinasal." patuloy ko sa pagpapaliwanag at napatingin na rin sa malayo.
Ang ganda ng kalangitan, ang daming bituin. Sana may maligaw na bulalakaw upang makahiling.
"Ok, as long as wala kang inaagrabyadong pamilya, it's ok with me. Then what's wrong? why your here? Alam naba nyang buntis ka?"
Agad akong umiling saka seryosong tinignan sya.
"May pumunta sa office, Madeleine Ortega ang pangalan nya. Nagpakilala syang fiancé ni Anthony. Sa kagustuhan kong malaman agad ang sagot, pinuntahan ko sya sa opisina pagkagaling ko sa ospital...." hindi na nya ako napatapos.
"wait, ospital? bakit ano ginawa mo sa ospital?" pagaalala nito.
"After kasi namin magusap nung Madeleine nga, nakaramdam ako ng hilo, nag black out ako ayun dinala ako ni Gary sa ospital, only to find out that I'm Pregnant. Gusto ko syempre ibalita kay Anthony na buntis ako. Bukod sa rason kong alamin ang totoo ay ibabalita ko rin naman sa kanya to. Nagpunta ako sa opisina nya, ayun nakita ko sila ni Madeleine na naghahalikan" at muli pa, umiyak na naman ako. Naalala ko na naman ang mga pangyayari kanina. Walang humpay, sunod sunod ang pagiyak ko. Nilapitan ako ni Noel, niyakap, inalo. Hinayaan lang nya akong umiyak.
"Ano na plano mo ngayon? may trabaho kang naiwan sa Manila". tanong naman nito.
Ano nga ba ang gagawin ko? may mga trabaho akong naiwan? paano ako magsisimula?
"Mag re resign na lang ako, dito muna ako. Ayoko muna yan isipin". saka kami parehas na tumahimik maya maya ay napagdesisyunan na rin namin magpahinga na.
Nasa kwarto na ako sa mga sandaling ito. Nakahiga na sa kama. Damang dama ang pagod sa maghapon. Iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. Hinimas ko ang tyan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Siguro ang pagbubuntis ng isang babae ang pinaka aasam asam ng isang couple na mangyari sa kanilang relasyon. Syempre una ang pagpapakasal. Kasal, isa pa yan. Paano ba ako ihaharap sa altar kung sa magulang nga hindi ako maiharap? Paano ba kami magiging legal sa batas kung sa mata ng pamilya nya hindi kami legal? Muli parang gusto ko na naman ang maiyak pero pinigilan ko na sa isiping anak ko na ang maaapektuhan.
"If we destined to be together, destiny will find again his way for us to be together. I will let destiny do the rest" saka ako pumikit.
**************************************************
Isang linggo makalipas ang pagpunta ko rito sa Davao, nagpaalam na ako sa boss ko na magreresign na ako sa trabaho. Hindi ko sinabing buntis ako bagkus sinabi ko lang na may sakit ako at kailangan kong magpagaling. Maswerte naman at pinayagan ako ng boss ko. Sinabi pa nya na kung kaya kong makabalik ay maluwag na maluwag nya akong tatanggapin muli.
Tatlong bwan lumipas, nagkakausap naman na kami ng ate. Sa una pa lang ay binilinan ko na syang wag ipapaalam kay Anthony kung nasaan ako. Noong una ay nagtataka sya kung bakit ayoko ipaalam kung nasan ako. Hindi ko na rin napigilan at naikwento ko na rin sa kanya ang pangyayari. Naunawaan naman nya ako kahit tumututol sya talaga sa paglayo ko. Alam na rin naman nya ang tungkol sa pagbubuntis ko maging ang kuya ko na nasa ibang bansa.
Habang nasa sala, umupo muna ako matapos kong magwalis. Hindi maganda ang unang trimester ng pagbubuntis ko. Masyado akong maselan sa pang amoy. Feeling ko mabaho lahat kaya naman binilan ako ng air purifier ng kaibigan ko upang mabawasan ang mga kakaibang na-a-amoy ko daw dito sa bahay nya. Nahirapan ako sa paglilihi, maya't maya sumusuka, maya't maya nagugutom, maya't maya may hinahanap. Kung minsan naiisip ko sana kasama ko si Anthony, sana naaalagaan nya ako sa mga panahong ito.
Sa naramdamang pagod, naupo muna ako at nagbukas ng social media account. Nag deactivate na rin ako ng lumang account. Gumawa na lamang ako ng bago pero wala ni isang picture ko at iba ang nakalagay na pangalan dito. Pilit kong iniiwasan si Anthony, ayoko muna syang makaharap.
Habang nag-i-scroll, pumukaw sa akin ang isang balita
'Anthony Crisostomo and Madeleine Ortega have an engagement party in Diamond Hotel Manila'
Agad akong nakaramdam ng kirot dito sa puso ko. Totoo na nga, fiancé nya na ngang talaga ang Anthony ko. And now, i can't even claim that he's mine, he's ours.
Nakaramdam ako muli ng lungkot saka hinawakan ang tyan ko, hinimas himas.
"Baby, wala na talaga ang Daddy mo. He will be married soon but not in me. Nakalimutan na naman nya ang pangako nya sa akin, sa atin." Muli ay isang luha ang kumawala sa mga mata ko. Pinigilan ko na ang maiyak. Pinunasan ko ito at matapang na tumindig.
"Kaya nating dalawa anak, hindi natin kailangan ang Daddy mo". saka muling tinuloy ang paglilibang sa Social Media.