Magkahawak kamay si Amara at Zian na nakaharap ngayon sa lolo ni Zian. Ayaw pa talaga sana nya dahil talagang na hihiya pa rin sya. Pero daig pa ni Zian ang bata kung mag maktol sa pangungulit sa kanya. Gustong gusto na nitong mag pakasal sila. Mag 2 years old na ang mga anak nila at unti unti na nilang nakikita ang pagkakaiba ni Liam at Deuz. Si Liam ay makulit at masiyahin habang si Deuz naman ay mas gusto nitong walang kasama sa crib mag lalaro lang itong mag isa kpag sinusubukan nilang pag samahin ang dalawa. Mag liligalig na si Deuz at mahirap ng patahanin. Mas malambing si Deuz kesa kay Liam na sobra naman seloso. Maayos naman ang health ng dalawang bata kahit nagkaroon ng complications ang pag bubuntis nya noon pero dahil mapera nga ang pamilya ni Zian malaki ang naitulong niyon s

