“Teka lang saan ba tayo pupunta.” nag tatakang tanong ni Amara habang kulang nalang kaladkarin na sya nito pababa ng hagdan instead na sa elevator. “May mga suspicious na tao sa baba. Paakyat sila nakalagay sa visitors log relative sila ng tenant sa 18th floor but they heading in my floor kaya bilisan mo.” “Mga tauhan ni Rupert?” “Posible mukhang alam na nyang nasa akin si Tamara.” “Baka saktan nila si Tamara.” “I doubt it hanggat kamukha mo si Tamara hindi sya sasaktan ni Rupert believe me.” ani Zian na pahinto sila sa pagtakbo at napatingin sa taas. Narinig pa nila na nag utos ang isang lalaki na ang dalawa daw sa taas mag hanap ang 3 ay sa baba. kaya naman mabilis na silang muling tumakbo ng nasa 10th floor na sila muli silang pumasok sa exit door. Ilang metro din ang tinakbok

