“Sir! Sir! Sir!.” Napabalikwas ng bangon si Zian mula pagkakahiga sa sofa at napatingin sa nurse na gumising sa kanya sa isang masamang panaginip. Dali dali sya lumapit kay Amara na nakahiga pa rin sa kama. Di napigilan ni Zian ang mapaiyak na sumubsob sa dibdib ng dalaga. Parang totoong totoo ang panaginip nya. Pakiramdam talaga nya iniwan na sya ni Amara. Parang di nya kakayanin kapag tuluyan na itong sumuko. Di na nya alam kung paano pa itutuloy ang buhay kung mawawala sa kanya si Amara. “Sir she wakes up a while ago. She open her eyes for a while but fell asleep again.” anusyo ng nurse na nag paalam na lalabas na para sabihin sa doctor ni amara ang nangyari. umangat naman ang ulo ni Zian at pinahid ang mga luha. “goodmorning mommy. Tinakot mo ako ng sobra sa panaginip ko. Wag mo

