“Kamusta na si Daniel?” tanong ni Zian kay Diego ng makita ito sa headquarters. Hindi na muna nya pinapasok si Amara dahil sobra ang iniyak nito ng nagdaang gabi kaya hinayaan na muna nya itong matulog. “Walang pag babago ganun din si Rodney. Dumating na ang mga pamilya nila kaninang madaling araw. Naka high alert din ang buong hospital. Balak ni chief dito sa headquaters na mag pagaling si Rodney kapag nag kamalay na sya.” napatango namam si Zian. Sabay pa silang napalingon ng marinig ang boses ni Amara na paparating. “bakit ka pumasok. Di ba sabi ko mag pahinga ka muna.” “Hindi pa tayo puwedeng mag pahinga habang humihinga pa si Ruppert gallego. Tiyak na babalikan nya sila Daniel at Rodney. Si Britany tiyak na babalikan din nya kaya kailangan kumilos na tayo. Kilala na nya tayong laha

