FREDERIK’S POV “KUYA, what if... heto na lang kaya?” sambit ni Leysa sa akin sabay abot ng tape. Kinuha ko naman ito at binasa ang title, "Fifty shades of grey?" mahinang basa ko. Nakita ko naman ang pagtango ni Leysa, tango nang pagsang-ayon na ito nga ang papanoorin namin ngayong gabi. Ngumisi ito at umupo na sa tabi ko, sa tabi ko talaga siya uupo dahil isang pahabang black couch lang naman ang nandito sa entertainment room namin. Nag-aalangan ako na itong Fifty shades ang panonoorin namin dahil napanood na namin ito ni Diana, and we just ended up having s*x, at saka hindi ito mapupunta rito for nothing. Grabe ang love scenes sa movie na ito –but the story was good. Hindi ko lang sigurado kung napanood na rin ito ni Leysa o ‘di kaya ay nabasa na ang libro nito. “Why kuya? Ayaw mo

