9 years ago… FREDERIK’S POV “Ano dude, may nahanap ka na bang magpapanggap na asawa mo?” bungad na tanong kaagad sa akin ni Mayor David Falcon, isa sa mga kaibigan ko mula pagkabata nang makapasok ako sa coffee shop na napagdesisyunan naming pagkikitaang magkakaibigan. Umiling lang ako at nakipag-fist bump sa kanila at umupo na sa tabi ni Atty. Arthuro Dela Vega, also one of my friend. Maganda ang pwesto ko dahil tanaw ko ang bawat taong pumapasok sa loob ng sikat na coffee shop dito sa Metro kung saan halos mga kilalang personalidad ang kumakain at makikita. “So what’s your plan? ‘Di ba ay inaapura ka na ng lolo mo na mag-asawa, kung hindi ay mawawala sa iyo ang pangangalaga ng pinakamamahal niyang kompanya? Eh ‘di ba pangarap mong mapasayo ang WILCO?” tanong naman ni Franc
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


