Sebastian's POV "Bro, may tumawag kanina na taga sa'tin. Si Shy raw inatake." Nang marinig ko iyon ay dali-dali akong nagpaalam sa boss ko. Nagkataong naubusan ako ng pera kaya naman tinakbo ko ang kainan sa hospital. "She's stable now Mister Cortejo, pero palala nang palala ang kalagayan ni Shy. Kailangan niya nang maoperahan." Iyon ang sabi ng doctor nang kapatid ko. Alam kong kulang pa ang ipon namin. Nabawasan pa nga iyon dahil nahospital din si Shy no'ng nakaraan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, 4 na trabaho na ang pinagsasabay ko, may 2 part time pa ako. Ayaw kong mawala ang kapatid ko. Nangako ako kay mama na aalagaan ko siya, nangako ako na hindi ko pababayaan ang kapatid ko. "Try mong mag-apply rito." Nakatingin lang ako sa business card na binigay ng doktor ni Shy. Maga

