INDEPENDENT WOMAN 13.2

1611 Words

INDEPENDENT WOMAN 13.2 “Ma, mabuti naman at gising ka na, sobra mo ‘kong pinag-aalala.” Naiiyak na pahayag ni Destiny ng makita ang pagmulat ng kanyang ina mula sa mahimbing na pagkakatulog nito.  Hapon na, sobra na ang pagtulog ng kanyang ina sa sinabi ng doctor kaya naman ay mas lalo siyang nag-aalala. Halos hindi na nga siya umali sa tabi nito hanggang sa magising, samantala ang kanyang nobyo naman ay nagpaalam na may aayusin muna at pupuntahan ang mga amo nito na nasa syudad upang bigay alam na iniwan nito ang bahay sa pormal na pamamaraan. “Nakauwi ka na, akala ko ay nakalimutan mo ng may ina ka.” Nanghihina na usal ng kanyang ina bago pinilit na naupo sa kanyang pagkakahiga, “Tubig.” Dagdag pa nito. Hindi na nagsalita pa si Destiny, lumapit ‘to kung saan nakalagay ang mga inumin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD