INDEPENDENT WOMAN 21 Literal na umawang ang aking labi ng huminto kami sa isang malaking bahay—no, masyon, mansion na ang tawag sa bahay na ito. Sa harapan pa lamang ay tila malulula ka na sa taas, ganda, at lawak nito paano pa kaya ang sa loob? Napapaligiran din ito ng mga bulaklak na may iba’t-ibang kulay ng mga rosas, may iba din na tila ginawang isang art na may nakurba ang isang bagay gamit ang malaking halaman na halatang inaalagaan ang itsura nito. “Andito na tayo,” anunsyo ni Sabry ng pumasok na sa loob ng gate ang kotse na aming kinasasakyan dalawa. Hindi ko akalain na may ganitong klaseng mansion sa pilipinas pero kung sabagay ay hindi ko pa naman nalilibot ang buong pilipinas. Isang malawak na harding ang nasa buong lugar, sa gitna nito ay may daan kung saan pwedeng puma

