INDEPENDENT WOMAN 20 Puno ng pagkailang ang aking nararamdaman habang ang tingin ng ginang ay hindi mawala-wala sa aking katawan. Tila ba inoobserbahan ang aking pagkilos, pagngiti, at kaunting paggalaw. Maling Ideya talaga ang pagdedesisyon na sumama kay Sabry ngayong araw. Ngayon ko lamang din naalala ang kanyang sinabi ng mga nakaraang araw na patungkol sa kanyang magulang na kanyang ipapakilala, hindi ko akalain na ngayon ang araw na ‘yon. Mabuti na lang ay hindi masagwa ang suot kong damit, hindi sobrang bongga pero hindi din naman sobrang manang tignan pero kahit ganon ay hindi pa din ako handa! “Yari ka talaga sa akin pag-uwi mo sa bahay.” Isip-isip ko bago ngumiti sa ginang na nasa aking harapan. Ngumiti naman ito pabalik sa akin, “Gaano na kayo katagal ng anak ko at paano kayo

