INDEPENDENT WOMAN 23 Destiny’s Point of View Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, ang aking mga tuhod ay unti-unti ng nanginginig, kasabay ang pag-init ng aking mga mata. Hindi ko akalain na dito siya makikita sa bahay na ito at kahit kalian ay hindi na muling pumasok sa pa sa aking isipan na makikita ko siya. Dito, sa aking kinatatayuan, sa mismong aking harapan. “Papa,” tawag ko sa kanya habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Akmang lalapit na ‘ko sa kanya upang bigyan ito ng mahigpit na yakap ngunit isang pares ng kamay ang humila sa aking bewang upang makalapit ako sa aking ama. Nang tignan ko kung saan galing iyon ay bumungad sa akin si Sabry. Malaki ang ngiti nito sa kanyang mga labi kahit na ang kanyang mata ay nagmumugto dahilan sa kanyang pag-iyak, ganon di

