Kate's P.O.V
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'to pero hindi ako makagalaw mula sa kinakatayuan ko. Nasa harap kami ngayon bahay nina Lance at masasabi kong mayaman talaga sila at hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay nila.
"Tara na pumasok?" Pagtatanong niya sabay lahad ng kaniyang kamay sa akin.
Meydo naiilang ako dahil hindi ko naman siya nakilala sa ganiyang pag-uugali. Mas gusto ko pa rin 'yung medyo salbahe niyang ugali na palasagot at pagiging pilosopo.
Inabot ko naman ang kamay niya bilang pag galang na itinuro sa amin sa simbahan. Kahit papaano ayoko namang maramdaman niya na walang kwenta mga efforts niya.
Lalo akong namangha ng makapasok na kami sa loob ng bahay nila. Para silang may sariling araw sa sobrang liwanag ng buong paligid. Napansin ko rin na may mga katulong pala sila rito.
Dumiretso naman kami sa kusina nila at nakita ko ang pamilya ni Lance na nakangiti sa amin.
"Ikaw ba si Kate? Nako ang ganda mo naman nak mas maganda ka papala sa kaysa sa mga kwento ni Lance sa amin," pagpuri sa akin ng mama niya.
"Salamat po tita," nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Nako hindi rito pwede 'yung mahiyain ha! Maupo na kayo para maka kain na tayo kanina pa namin kayo ina-antay," pag-aalok ng mama ni Lance.
Agad din naman kaming naupo at saka kami nagdasal para i-bless ang pagkain na nasa harapan naming lahat. Kung tutuusin napakaganda ng pamilya ni Lance, kumpleto at maginhawa ang buhay. Ayos lang naman sa akin ang buhay namin ni Mama ang gusto ko lang ay makilala ang papa ko na mula pagkabata ay hindi ko pa nakikita.
"May problema ba? Hindi mo ba gusto 'yung mga pagkain?" sunod sunod na tanong sa sakin ni Lance.
"May pumasok lang sa isip ko at saka masarap naman 'tong mga pagkain sadyang napa isip lang ako," nakangiti kong sabi at saka muling kumain.
Hindi naman na siya muli pang nagtanong at saka nag-focus sa pagkain. Nakakwentuhan ko naman ang mga kapatid niya at ganoon na rin ang mga magulang niya. Sadyang napakaswerte ni Lance sa pamilya niya. Hindi ko maiwasang maisip paano kung mamatay si Lance sa laro ng hindi nila alam sigurado akong mahihirapan silang tanghapin iyon.
Nang matapos kaming kumain ay agad rin naman kaming nagpaalam ni Lance sa mga magulang niya.
"Maraming salamat po sa dinner tita," nakangiti kong sabi.
"Nako kahit dito ka lagi mag dinner ayos lang sa amin at saka welcome na welcome kana rito sa bahay," nakangiting sabi sa akin ni tita.
"Gusto ko talaga ng babaeng anak pero 'di kami pinagbibigyan ng tadhana kaya natutuwa ako sa iyo ng sobra," dagdag pa ng mama ni Lance.
"Sige na po ma, aalis na po kami at baka ma-late po kami sa palabas," pagpapaalam ni Lance.
"Oh basta ingatan mo 'yan si Kate ha! Pag 'yan ay napahamak nako lagot ka talaga sa akin," pagbibilin ng mama ni Lance.
Ngumiti naman si Lance bilang pagsagot at saka kami nagmano sa mga magulang niya. Nagpaalam kami na manonood ng sine ngunit ang totoo ay pupunta na kami sa school upang simulan ang aming plano.
Habang nasa byahe kami ay nag-iba na naman ang ugali ni Lance sa dati kong pagkakakilala sa kaniya.
"Ahmm Kate salamat sa pagpayag mo sa paanyaya ko ah, napakalaking bagay na non para sa akin," nakangiti niyang sabi habang nagmamaneho.
"Ano ka ba walang isyu sa akin 'yon at saka bakit parang sobrang bait mo naman simula nitong mga nakaraang araw," pagsagot ko.
"Mabait naman talaga ako e," pagyayabang niya.
"Mali ata ako ng nasabi," sabi ko sa kaniya.
Natawa naman siya at saglit na tumigil kahit medyo malayo pa kami sa meeting place na napag-usapan namin nina Leandro. Tumingin naman siya sa akin at saka nagsalita.
"Ipangako mo sa akin kate matatapos mo 'tong laro na 'to kahit wala ako," seryoso niyang sabi.
"Anong bang pinagsasabi mo? Makakalabas tayong lahat sa larong 'to kaya 'wag ka mag-isip ng ganiyan," pag sagot ko.
"Gagawin ko lahat basta masiguradong mabubuhay ka kaya ipangako mo sa akin na makakaligtas ka hanggang matapos ang laro na 'to," sabi niya at saka muling nagpaandar ng sasakyan.
Hindi ako sanay na ganiyan ugali niya pero medyo natatakot kung sakaling dumating 'yung oras na magsasakripisyo siya para sa akin.
Nang makarating kami sa meeting place ay nakita agad namin sina Leandro. Pagkababa namin ng sasakyan ay agad naman kaming nagkamustahan at saka naman kami nag-usap sa paano ang gagawin namin.
"Mauuna na kami ni Lance sa pagpasok para buksan ang gate sa likod at saka naman kayo papasok nina Sachi pagnabuksan na namin ang gate," paliwanag ni Gavreel
"Paano ang CCTV sa backdoor hindi ba tayo makikita non?" pagtatanong ni Sachi.
"Nasira na namin ni Leandro 'yon kaninang umaga," pagsagot ni Gavreel.
"Ang isa nalang natin na problema ay ang pagpasok sa control room," singit ni Leandro.
"Madali lang 'yan dadaan tayo sa mga blind spot kung saan hindi na kita sa CCTV," pagsagot ko.
"Alam mo ba kung saan ang mga 'yon?" Pagtatanong ni Lance.
"Sa loob tayo ng kisame dadaan ang kailangan lang ay mag-ingat," pagsagot ko sa tanong niya.
"Malapit na mag-alas diyes kailangan na nating kumilos kaya lumakad na kayo Gavreel," pagsingit ni Sachi.
Agad namang tumango ang dalawa at saka nagsimulang maglakad papasok sa gate sa likod ng school. Agad naman silang umakyat sa chain link fence at agad ring nakababa sa kabila.
Agad naman kaming pumunta sa gate ng bumukas ang maliit nitong pinto. Mabilis kaming pumasok sa loob at nagtago ng may ilaw kaming matanaw na siyang tumatapat sa amin.
Naglakad kami ng mabilis habang nakayuko papunta sa garden ng school kung saan kami madaling makaka-ikot patungo sa control room.
Tumigil kami saglit at saka muling nagplano kung paano namin matatakasan ang guard.
"Ako ng bahalang kumuha sa atensyon ng guard basta siguraduhin n'yo na makakapasok kayo sa loob," sabi ni Lance.
"Mag-iingat ka at 'wag kang magpapahuli," nag-aalala kong paalala sa kaniya.
Tumango naman siya at kami nag-antay na makaalis ang guard sa kinatatayuan niya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarinig kami ng isang nabasag na salamin at agad namang tumakbo roon ang guard na siyang senyales namin na para kumilos at gawin ang aming parte sa plano.
Naiwan naman si Gavreel para maging look out kung sakaling pumasok sa loob ang guard at magbigay ng direksyon sa mga kaklase namin.
Agad namang inilabas ni Leandro ang spare key niya sa bawat pintuan at agad na binuksan ang pinto. Mabilisan kaming pumasok sa loob at nawalan kami ng pag-asa ng mapagtanto naming walang kisame ang bawat palapag maliban sa 5th floor ng building.
"Ano ng gagawin natin?" Tanong ni Sachi.
"Wala na tayong choice, kailangan na nating mag-take ng risk o mapupunta sa wala ang lahat ng ginawa natin," sabi ni Leandro.
"May mga panyo ba kayo? 'Yan gamitin n'yo yan para takpan ang mga mukha nyo," pagpapaliwanag niya.
Agad naman naming ginawa ang sinabi niya at saka kami tumakbo ng mabilis papasok sa control room kahit pa naka activate ang CCTV at kita kami nito.
Mabilisan naman namin binuksan ang pinto at pumasok sa loob nito agad naming hinanap ang hard disk at DVR na naglalaman ng cctv footage at agad din naming nahanap pinatay naman namin ang mga camera para makapasok na ng maayos ang bawat isa.
Agad namang tinawag ni Sachi si Gavreel para sabihan ang iba na gawin na ang nga kailangang gawin at agad naman kaming nagulat ng pumasok ang isang tao na akala namin ay guard ngunit si Lance pala na hinihingal.
"K-kailangan na nating b-blisan sigurado akong p-parating na ang mga p-pulis maya maya lang," hinihingal niyang sabi.
Agad namang kaming naghanda at binuhusan ng flammable gas ang buong Control room. Alam naming malaki ang mawawala sa school ngunit wala kaming choice kundi ang gawin ito.
Agad naman naming sinabihan ang iba na maghiwahiwalay sa paglalagay na agad din nilang ginawa. Lumabas kami ng control at nilagyan ng gas ang bawat madaanan namin.
Nang makalabas kami ay handa na ang lahat sa pagsunog. Marami pa rin sa kanila ang hindi kumbisido na gawin ito at labag sa loob nila na ito ay gawin. Kahit na ganon ay wala silang magagawa dahil buhay nila ang nakataya rito.
Agad naman kaming nagsimula sa pagbibilang para magsindi ng posporo at lighter ng biglang may makita kaming gun signal na hindi naman malayo sa amin.
Dahil sa signal na 'yon ay agad kaming nagdesisyon na ibagsak na ang bawat posporo at lighter na hawak namin. Agad kaming nagtakbuhan ng lumiyab agad ang apoy at kumalat sa paligid. Agad kaming tumakbo papunta sa gate sa likod ngunit nakita namin doon ang sasakyan ng nga pulis na dahilan upang kami ay mataranta.
"Sa kabilang building may daan don hindi ba? Sira ang bakod don," sigaw ng isa naming kaklase na agad naming sinunod.
Nagtakbuhan kami papunta sa likod habang papasok palamang ang mga pulis at ang guard ay abala sa pag-apula sa apoy na kumakalat.
Abg iba naman ay nagsiakyatan na sa chain link fence at nakalabas ngunit kami ay patuloy pa rin sa pagtakbo patungo sa butas na sinasabi ng isa naming kaklase.
Nagulat naman ako ng hilahin sa kamay ng kung sino at agad akong dinala sa isang isang madilim na lugar.
"'Wag kang maingay hindi tayo pedeng makisabay sa kanila kung hindi mahuhuli lang tayo dahil magsisiksikan at mag-uunahan sila palabas," bulong nito sa akin agad naman akong nakahinga ng maluwag ng malaman kong si Lance 'yon.
Agad ko namang nakita sina Sachi na lumiko rin dito sa pwesto namin at parehas pala sila ng naisip ni Leandro.
"Umakyat na kayo hindi tayo makikita dito dahil sa mga halaman," sabi ni Lance.
Agad naman kaming umakyat nina Sachi at Reiz pagkatapos ay sumunod naman ang tatlo. Mabilis namang tumibok ang puso ko ng makarinig ako ng putok ng baril. Isang signal na kailangan nilang tumigil sa ginagawa nila o pagtakbo.
Ang sunod na putok ay mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko dahil sigurado akong may pinatamaan na sila. Agad namab itong nasundan ng dalawa pang putok ng baril. At rinig ko mula sa pwesto namin ang sigawan nila.
Nasundan pa ito ng ilan pang putok ng baril sigurado akong wala silang balak mahuli kaya't patuloy sila sa pagtakas na nag-trigger sa mga pulis na magpaputok.
Kitang kita ko naman mula sa pwesto namin ang mga kaklase ko na nakatakas na at ang pulis na papa-ikot na papunta sa lagusan na dinaanan ng iba.
Agad naman akong hinila ni Lance papalayo sa lugar at sama sama kaming umalis nina Leandro papalayo sa school.
Mula sa pwesto namin ay kitang kita ang nagliliyab na paaralan. Mabilis naman naming narating ang sasakyan ni Lance at agad kaming pumasok sa loob.
Hinihingal pa kami ngunit agad na nagpatakbo si Lance ng sasakyan para makalayo na kami ng tuluyan mula roon.
"Saan naman tayo pupunta?" pagtatanong ni Reiz.
"Malayo mula rito," sagot ni Lance.
Patuloy lang kami sa byahe at tumigil saglit sa isang convenient store at namili ng makakain. Mabilis din kaming natapos sa pamimili at muling umalis papunta sa sinasabi ni Lance na picnic place.
Nang makararing kami roon ay agad kaming nakatanggap ng text message mula sa laro at nakahinga kami ng maluwag. Maya maya pa ay tumawag naman ang magulang ni Lance at ganoon din sa akin at sa iba.
Tinanong naman ako ni Mama kung nasaan ako at sinabi kong kasama ko si Lance at sina Leandro sa isang pasyalan para i-enjoy ang graduation.
Sinabi naman sa akin ni Mama na hinahanap ang bawat kaklase ng mga nahuli na inaakusahang kasali sa pagsusunog ng paaralan.
Naka-usap naman namin ang mga pulis at sinabing kanina pa kami rito at wala kaming kamalay malay na nasusunog pala ang paaralan. Mukhang naniwala naman ang mga pulis sa mga tinuran namin.
Agad naman kaming nakahinga ng maluwag kahit alam namin na may nga nahuli sa nangyaring pagsunog sa paaralan. At isa pa sa mga inaalala ko ay ang mga putok ng baril na 'yon. Sana ay hindi sila napuruhan at mligtas pa rin sila sa mga oras na ito. Iniisip ko ang magiging misyon nila kung sakaling nasa loob sila ng kulungan.
Naupo kami habang pinagmamasdan ang buwan ngayon gabi at sadyang napakaganda nito at napaka liwanag. Habang kumakain kami ay naiisip ko pa rin ang iba naming kaklase.
"Alam kong pangit pakinggan pero masaya ako at nakaligtas tayo," sambit ni Reiz.
"Wala naman tayong magagawa kung nahuli ang iba eh," sagot ni Lance.
"Ang isa ko lang na inisip ay baka ibuking tayo ng mga nahuli," singit ni Gavreel.
"Nasisigurado kong hindi nila 'yon gagawin," pagsagot ni Leandro.
"Ang kailangan lang natin ay magtiwala sa kanila," pagsang-ayon naman ni Sachi.
Natahimik naman na kaming lahat at saka kumain ng mga pinamili namin. Sadyang pahirap na nang pahirap ang mga misyon na nakukuha namin.
Kakayanin pa ba namin ang susunod na hamon ng larong ito. Sigurado akong mas mahirap na ang susunod na hamon sa amin dahil wala na sa school ang setting ng laro dahil ngayon ay hindi na kami nag-aaral. Gaya ng sabi ni Anika nakadepende sa environment mo ang misyon na matatangap mo.
Alive: 37 Dead: 8