Hayden Tatlong linggo na kami nakauwi dito sa mansion ngunit wala pa rin pagbabago si Olla. Hindi pa rin ito nagsasalita ramdam ko ang lungkot nito, palagi itong nakatulala at nakatanaw sa malayo. Kahit magkasama kami pakiramdam ko ang layo na niya sa akin dahil hindi naman niya ako kinakausap. Ngunit kahit ganun pa man ay sinikap kong intindihin siya ayokong maramdaman ni Olla na nag-iisa ito ngayon. “Love, may gusto ka bang sabihin? Tell me para alam ko, and please huwag mong ikulong ang sarili mo sa mga nangyayari. Alam ko mahirap tanggapin pero kailangan natin ituloy ang ating buhay. Sobrang namis ka ni Hera love hinahanap ka niya, gusto mo bang magbakasyon ta’yong tatlo? Sabihin mo lang kung saan mo gusto pupuntahan natin.” paglalambing ko kay Olla sabay yakap ko dito, hindi ko mai

