Chapter 2

1482 Words
Mia's POV Mahigit dalawang taon na rin mula nang mangyari ang bagay na iyon. Matagal din na panahon bago ako muling nakabangon at makalimutan ang bagay na aking ginawa. Matagal din bago bumalik ang tiwala ko sa sarili at pag-iwas sa mga lalaki. Noon kasi, sa tuwing nadidikit ang aking balat sa kung sino mang lalaki, agad akong napapa-iwas na animoy may malaking trauma, ngunit masaya ako dahil nalampasan ko ang lahat ng iyon. Sa kabilang banda, ang perang nakuha ko nang gabing iyon ay napunta sa pagpapagamot kay nanay at pagtatapos ko ng pag-aaral. Wala, eh. Walang-wala talaga kami at hindi ko na alam kung saan kakapit noong mga panahong iyon. Suhesyon ng gay friend ko ang pagpasok sa isang club kung saan ko nakasama nang isang gabi ang lalaking iyon. Mabilis kong iniling ang aking ulo at malalim na huminga. Tama na, Mia. Tapos na ang bagay na iyon, nangyari na ang lahat at ang perang nakuha mo ay may napuntahan naman, hindi ba? pangaral ko sa sarili. Mapait akong ngumiti saka inayos ang aking sarili at tumingin sa salamin na nasa aking harapan. Maya-maya lang, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa bulsa. Kinuha ko ito at napangiti nang makita ang pangalan ni nanay sa screen. Agad ko naman itong sinagot. "Hello, Nay?" "Anak, nasaan ka na? Nandiyan ka pa ba sa ina-applyan mo?" tanong niya. "Opo, Nay. Nag-aayos lang ako rito sa banyo dahil ako na po ang susunod na kakausapin ng boss. Final interview na to, Nay," sunod-sunod kong wika. "Bakit po? May problema po ba d'yan sa bahay?" tanong ko. "Wala naman, anak. Hindi lang kasi ako mapakali kapag umaalis ka ng bahay, baka kasi–" "Nay, hindi ko na po gagawin ang bagay na 'yon. Napag-usapan na natin na hindi io-open up 'yan, hindi ba?" pagpigil ko sa pagsasalita ni nanay. Sa loob ng dalawang taon, nitong nakaraang buwan ko lang nakuhang sabihin kay nanay kung saan ko nakuha ang perang ginamit ko upang ipagamot siya, dahil doon, madalas na siyang kabado sa tuwing umaalis ako, bagay na hindi ko masisisi. "'Wag po kayong mag-alala, Nay," malumanay kong wika. "May tiwala ako sa 'yo, anak. Sige na at magluluto na rin ako. Galingan mo riyan," masaya niyang wika at alam kong sa pagkakataong ito, nakangiti na siya. Sumilay naman ang matamis na ngiti sa aking labi. "Sige po, Nay." Matapos iyon ay binaba ko na ang telepono. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapaganda ang buhay ng aking pamilya, kaya pinilit ko talagang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Ngayon, nandito na ako sa isang malaking kompanya at sinusubukang pasukin ang isang posisyong matagal ko nang nais. "Mia Anne Sandoval?" Mabilis akong napalingon nang marinig ang pagtawag sa aking pangalan. Dali-dali naman akong nag-ayos at lumabas na rin ng washroom. "Y-Yes, Sir," tugon ko sa lalaking tumawag sa akin. "It's your turn for the final interview," aniya. Ngumiti naman ako saka nagsimulang maglakad. Bago pumasok sa loob ng conference room, huminga ako nang malalim at taas noong ngumiti. "Kaya ko to!" pagpapalakas ko ng loob. *** "Tanggap ako, Nay!" Masayang-masaya ako nang makauwi sa bahay at sabihin kay nanay ang magandang balita. Tuwang tuwa naman siya at halos maiyak dahil sa sinabi ko. "Talaga, anak? Hay... salamat sa Diyos at dininig niya ang hiling mo," aniya habang hawak ang aking kamay at nakaupo kami ngayon sa sofa. "Ate, bakit ang ingay nyo na naman?" Sabay kaming napalingon ni nanay nang marinig ang tinig ng isang batang lalaki – ang kapatid kong si Glenn na ngayon ay siyam na taong gulang na, pupungas-pungas ito at halatang bagong gising. "Pasensya ka na, Glenn. Masayang-masaya lang talaga si ate," wika ko habang natatawa. Bilang pag-celebrate, inaya ko sina nanay kumain sa labas at doon namin pinatuloy ang kuwentuhan. Kinabukasan, inayos ko na ang mga papeles na kakailanganin ko para sa unang araw ng aking pagpasok. Dream company ko ang CCheng Corporation, isa sa mayayamang kompanya sa Pilipinas. Bukod sa mataas silang magpasahod, maganda rin ang mga benefits nila. Masasabi kong dahil dito, maiaahon ko sa hirap ang aking pamilya. Unang araw sa opisina. Matapos akong mag-ayos, agad na rin akong sumakay ng taxi dahil hindi ko nais ma-late sa una kong araw. Ngayon ko na rin kasi makikilala ang boss ko bilang kanyang executive secretary. Sana hindi siya strikto. "Good morning," pagbati ko sa mga nakakasalubong kong staff na lumalabas mula sa building. Tila napako na ang ngiti sa aking mga labi habang nakakasalubong ang mga ito. Baka nga iniisip pa nilang nababaliw na ako. "This way, ma'am," pag-guide sa 'kin ng HR staff nang tuluyan akong makapasok sa gusali. Sumakay kami sa elevator at nagulat ako nang pindutin niya ang forty-eight floor. Ganoon kataas ang opisina ko? Kung kanina ay hindi ako nakadarama ng kaba, ngayon tila naririnig ko na ang malakas na pagtibok ng aking puso, animoy nais nitong tumalon palabas sa aking dibdib. Sa pagbukas ng elevator, tumambad sa aking mata ang green carpet na tila bermuda. Mukhang eco-friendly rin ang palapag na ito dahil kada corner ng hallway ay may paso na may halaman. Habang naglalakad kami ng HR Staff, hindi ko mapigilang hindi lumingon sa paligid. May mga station ng iba't ibang department at ang lahat ng empleyado ay abalang nakikipag-usap sa telepono, sa tingin ko ay inaasikaso nila ang mga kliyente. Muli akong nakaramdam ng kaba. Napaka workaholic pala ng mga tao rito, bulong ko sa isip. "We're here." Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ang pagsasalita ng babaeng kasama ko. Nakatayo siya sa isang malaking pinto at tila sinasabing pumasok na ako sa loob. Sandali akong ngumiti at huminga nang malalim, saka sinimulang maglakad. Marahan kong pinihit ang doorknob at tumingin sa loob ng opisina. Nanlaki ang aking mga mata at namangha sa ganda ng opisinang ito. Napakataas ng ceiling niya at may malawak na glass window. "Come in! Ikaw siguro ang bago kong secretary?" Diretso akong napatingin sa lalaking nakaupo sa isang leather swivel chair. Umayos ako nang pagtayo at dali-daling lumapit sa kanya at ngumiti. "Y-Yes, Sir. Ako nga po," tugon ko sa kanya saka pinatong sa kanyang lamesa ang mga hawak kong papeles kanina. Sinundan naman ng tingin ng lalaking iyon ang papeles saka bumalik ng tingin sa akin at ngumiti. "Okay! You're all set," saad niya saka inalok ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito at sandaling yumuko. "Thank you, Sir. Pagbubutihin ko po," wika ko. "By the way, I'm Marvin Cheng I am the adopted son of the owner and I am the CEO of this company," pagpapakilala niya. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ito. Dahil sa kanyang sinabi, agad kong binawi ang aking kamay at muling yumuko sa kanyang harapan. "I-I'm Mia Anne Sandoval, S-Sir!" nauutal kong pagpapakilala. Hindi ko akalain na ang magiging boss ko pala ay isang CEO, akala ko kasi ay head lang ng isa sa mga department dito. "Relax ka lang hindi ako nangangain ng tao," aniya saka impit na natawa. "Anyway, that will be your office." Napasunod ang aking mata sa direksyon kung saan nakaturo ang kanyang daliri. Mas lalo akong nawindang nang makita ang magiging opisina ko. Glass wall siya at talagang malaki. May dalawang monitor at nandoon na rin ang mga kailangan ko sa trabaho tulad ng printer at kung ano pa. "T-Thank you, Sir. Excuse me," pagpapaalam ko sa kanya, saka ako nagsimulang lumakad patungo sa aking magiging table area. Nakahinga ako nang maluwag nang makaupo ako sa aking sariling upuan. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mailang dahil alam kong nakikita ni sir ang lahat ng ginagawa ko rito sa loob. Lihim akong sumulyap kay Sir Marvin at hindi ko alam na nakatingin din pala siya sa 'kin. Pinilit kong ingiti ang aking labi at ganoon din naman ang kanyang ginawa, saka ako muling umiwas ng tingin. *** Makalipas ang ilang oras, naging abala na rin ako sa pag-aaral ng bago kong trabaho. Mabuti na lang at dumating ang dating sekretarya ni sir upang mag-turn-over sa akin, dahilan upang mabawasan ang mga bagay na hindi pa ako pamilyar. "Marvin, kapatid ko! Long time no see!" Sabay kaming napalingon ng babaeng kasama ko nang marinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto. "Cedrick, what brought you here?" kunot-noong tanong ni Sir Marvin. "Nothing. Gusto ko lang magpalipas ng oras," tugon naman ng lalaking kadarating lang. Umupo siya sa sofa saka tinaas ang paa sa lamesa. Sa pagkakataong ito, nakaharap sa direksyon ko ang lalaking iyon. Kumunot ang aking noo at tinitigan siyang mabuti. Hindi ko alam kung bakit, pero parang pamilyar ang mukha niya. Hanggang sa maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata at nagsimulang manginig ang aking katawan. Tila ang mga alaala ng gabing iyon ay bumalik sa aking isip, dahilan upang magsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi. H-Hindi. Hindi to maaari. S-Siya 'yong lalaking 'yon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD