Prolouge

237 Words
            Sa mundo kung saan kinaiinggitan ng iba ang mga mayayaman, may isang dalaga na kinailangang pansamantalang umalis at talikuran ang lahat ng mayroon siya upang mailigtas ang sarili niyang buhay.             Si Victoria ay kaisa-isang anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit kinailangan niyang tumakas at lumayo dahil nasa panganib ang buhay niya matapos na iwanan ng kanyang ama ang lahat ng yaman nito sa pangalan niya.             Dalawang buwan na siya sa probinsya at inakala niyang ligtas na siya dahil sa matahimik at simpleng pamumuhay niya mag-isa. Naging kampante siya na hindi na siya matutunton pa. Ngunit nayanig muli ang mundo niya nang isang gabi ay bigla na lamang napasok ang bahay na tinutuluyan niya ng mga kalalakihan na hindi naman niya kilala. Kinailangan na naman niyang tumakas at tumakbo para mailigtas ang sarili. Hindi niya alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Sarili niyang mga kamag-anak ay nais siyang saktan. Bawat tao sa paligid niya ay kanyang pinagdududahan. Ngunit sa panahon ng kagipitan, ipagkakatiwala niya ang kanyang buhay sa isang hindi naman niya kilala. Sa lalaking hindi niya kailan man pag-iisipan na isa palang pirata. Ligtas nga ba siya? O lalo lamang niyang pinahamak ang sarili niya? Makakatakas pa ba siya nang buhay? Ito nga ba ang tutulong sa kanya o ikukulong lamang siya nito sa Isla na walang ibang tao na nakaka-alam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD