Kabanata 9 THIRD PERSON Late ng pumasok si Alexa kinaumagahan. Napagod kasi talaga ito kagabi. Hindi niya alam kung okay na ba talaga silang mag asawa pero kahit ganun ay mas klaro na ngayon kesa noon. Kaninang umaga halos ayaw na siyang lubayan ng asawa niya at pinilit niya itong manatili nalang sa bahay nila pero pinilit niya rin ito kase kailangan nilang pumasok sa iskwela. Sinabi niya rin na uuwi siya sa bahay nila at hindi na umalis. Kailangan niya pang mangako ng kahit ano para hayaan siyang umalis ni Asher. Sinabi niyang mag uusap sila mamaya pag uwi kaya tumango nalang din ang binata bag o niya ito hinatid sa klase niya. Hindi maiwasan ni Alexa na kiligin sa inaakto ng asawa niya. Matapos ang week end na halos silang dalawa lang, nag uusap at naglalambingan. Siguro nga ito na y

