Kabanata 7 "It's been 1 week Alexa! Please umuwi ka na. Nag-aalala na ako para sa anak ko." halos pasigaw na sabi ni Mommy. Alam kong nag aalala siya para sa anak niya pero kailangan ko muna ng space sa aming dalawa. Pasalamat nga ako at pumayag siya sa isang lingo na hindi ako umuuwi. Ngayon tumatawag ulit si mom kasi pinapauwi na naman niya ako. Halos araw araw niya akong tinatawagan para patahanin ang anak niya at lagi niyang sinasabi na nagwawala na naman ito. Pero ayoko parin mag patinag at simula nung nangyari nung araw na yun ay hindi na ako umuwi. Sa katunayan ay nanghihiram nalang ako kay Xyla ng damit, minsan naman sa Devisorya lang kami bumibili ng damit at hindi sa mall. Mahirap na at halos pa ubos na ang perang binigay sakin ni Asher. Ang totoo niyan ay lagi naman akong s

