Logan Cruise POV Nakaharap ako ngayon kay Adeline habang nakaupo sa sofa, "So papayag kaba?“ tanong ko sakanya. Tahimik lang siyang nakaupo habang nakatitig sakin, "Kung hindi ako papayag magiging delikado?” tanong nito. Tumango ako, "Yes, may posibilidad na hindi na siya makakalabas,” sambit ko. Napansin ko agad kung paano namutla ang kanyang mukha nang marinig ang sinabi ko. Mula nang magkakilala sina Camella at Adeline, hindi na umalis si Adel sa tabi ni Camella, kaya siya lang ang maaaring tumulong sa kanyang matalik na kaibigan. Huminga ito ng malalim, "Kung ito lang ang maaaring paraan upang tulungan siya ay gagawin ko.” lakas loob nitong sambit. "Huwag kang mag-alala Adel, may poprotekta naman sayo.” ani ko. Kahit may gusto pa itong itanong sakin ang pinili niya nalang na tuma

