Camella/Code Red POV One week past Okay naman ang lahat si Logan ay umaalis dahil sa trabaho niya at negosyo at ako naman ay dito sa condo hindi ako sanay na walang ginagawa kaya kahit yong kaunting gawaing bahay ay ginagawa ko araw-araw upang hindi ko ma spoil ang sarili na walang ginagawa buong araw. Nagpupunas ako ng salamin sa sala ng biglang tumunog ang selpon ko na nasa ibabaw ng lamesa sa sala. Hindi ito rehistrado na numero kahit nagtataka ay sinagot ko parin ito, “Hello who's this?” tanong ko sa kabilang linya. Ngunit ilang minuto ang lumipas ay walang sumagot, “Who's this? Prank ba 'to?“ tanong ko habang pinipigilan na hindi mainis dahil walang sumasagot. Papatayin ko nalang sana ito dahil parang pinaglalaruan lang naman ako. Sino ba kasing tanga ang tatawag tapos hindi sa

