Camella/Code Red POV Logan Cruise POV Nakita ko kung paano nalaglag ang selpon ni Camella matapos nitong masagot ang tawag, "Camella anong nangyari?” tanong ko pero isang hikbi lang ang kanyang binigay sakin. “H-hey what's wrong? Bakit ka umiiyak?” tanong ko habang hinawakan ang kanyang mukha. Pero wala akong nakuhang isang sagot mula sakanya at panay iyak parin siya, pinahiran ko ang kanyang luha habang pina-sandal ko ang kanyang ulo sa bandang dibdib ko, hihintayin ko nalang kung kailan siya magsasalita. “Ano kaya ang Problema?” tanong ko sa isipan. Mag-iisang oras ng bigla siyang humiwalay sakin, “L-logan...” hikbi nitong sambit sakin. “Hey what's the problem?“ mahinang tanong ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi. “S-si m-mama...” utal-utal nitong sambit habang humihikbi pari

