Logan Cruise POV Nakarinig kami ng malaking pagsabog na nagpayanig sakin, “S-si Camella,“ ani ko sa isipan. “Boss! Boss! Nasa delikado si ma'am Camella, Yong pagsabog ang signal namin.“ ani ng isang tauhan ko na humahangos pa nagsalita sa harapan ko. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya, "What? Anong sinasabi mo?” tanong ko sa kanya. Huminga ito ng malalim upang pakalmahin ang kanyang paghinga, “S-si si ma'am Camella, nakapasok na siya sa lungga at baka nahuli rin siya sa kalaban.” ani nito. "Gaano ka kasigurado na nadakip ng kalaban si Camella?” irita kong tanong. Alam kong magaling sa labanan si Camella at kung meron mang kalaban ang makakita sa kanya ay malulusutan niya ito pwera kong, kong? Agad akong napatingin sa tauhan ko. "Tama po ang iniisip mo boss, sinadya

