Mico 17

1010 Words
Hope pov Mahabang biyahe na nakakahilo na lalo at madalas silang nauuntog dahil di naman nila mabalanse ng maayos ang kanilang mga katawan dahil nakatali ang kanilang mga kamay. "Lagyan mo na ng piring ang mga mata ng mga yan.!" Dinig nilang sabi ng isa sa mga lalaki na dumukot sa kanila. Di niya alam kung paano niya matatakasan ang sitwasyon niya ngayon. Si Mico malamang ay may chance na makatakas at makalaya dahil may pera at may tutubos dito, e siya wala namang ideya ang pamilya niya sa kanyang sinapit. Parang gusto niya tuloy na pagsisihan ang planong pag ganti sa lalaki, ang bilis ng karma niya. Gustohin man niyang umurong sa kanyang plano ay huling huli na ang lahat, sa ngayon ay di na muna siya aamin at hihingi ng tawad kay Mico. Baka iwanan siya nito doon pag nalaman nito ang totoo na hindi siya si Faith kundi ang kakambal nito na si Hope. Idagdag pa sa ihihingi niya ng tawad ang pagpapalit nila ng pagkatao ng kakambal niya at ang pagbabalak niyang maghiganti. Naramdaman niya ang pagdikit ng balikat sa kanya, napalingon siya at nakita niya si Mico. "Dikit ka sakin para alam ko na safe ka." Bulong ng lalaki sa kanya. May choice ba siya? Mas okay na yung si Mico ang kanyang kadikit kaysa naman ang mga lalaking dumukot sa kanila. Huminto ang sasakyan at lumapit sa kanila ang isang lalaki na may dalang tela na malamang ay gagamitin na pantakip sa kanilang mata. "Saan kaya nila tayo dadalhin?" Bulong niya dito, alam niyang di rin naman alam ng lalaki ang sagot. Pero for the sake lang na may mapag usapan at manatili lang na gising sila. "I don't know, sleep for now para may lakas ka mamaya." Bulong din nito. Tama ang lalaki, kinakailangan niyang mag ipon ng lakas para mamaya. Kung saka sakaling kinakailangan nilang tumakas ay may lakas siya para tumakbo. Nagising siya na tila nakatigil na ang sasakyan. Nataranta siya nang hindi niya na naramdaman ang balikat ni Mico na kanina ay kanyang kinasasandalan. "Sir Mico?! Asan ka?" Natataranta niyang tanong. Nagdadasal siyang sana ay nasa tabi tabi lang ang lalaki. "I'm here, just sleep." Sagot ng lalaki mula sa di kalayuan. "Bakit nakapiring parin tayo?" Tanong niya dito. Narinig niya ang mahina nitong tawa. "Di ko alam e, itanong mo sa kanila." Papelosopo na sagot pa nito, inirapan niya ito kahit alam niyang di siya nito nakikita. "Tanggalin naba natin ang piring?" Tanong pa ng isa. "Oo para makapaglakad na sila, nasa dilo ang helicopter." Sabi ng isa. "Ang yaman naman ng kidnapper natin may helicopter." Di niya napigilang bulalas. Naramdaman niya ang pagtanggal ng kanyang piring, medyo nag adjust pa muna sa liwanag ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay naglakad na sila sa isang masukal na daan. At doon nga ay pinasakay sila sa isang helicopter. Bago umalis ay muli na naman silang piniringan ng kanilang mga mata. Nasa fifteen minutes lang ang naging biyahe nila. Nang muling tanggalin ang kanilang piring ay nasa isang kagubatan na sila. Di siya sanay sa gubat, kung nakakagala man siya sa mga bakasyon ay iwas na iwas siya sa mga gubat gubat at medyo lampa siya. "Nasaan na po tayo? " Tanong niya sa isang lalaking dumukot sa kanila. Lumingon ito sa kanya at ngumisi, isang ngisi na nakakakilabot. "Nasa paraiso na tayo, maganda din na isinama natin to boss may libangan tayo. Maganda pa at makinis." Sagot nito. Napasiksik siya sa tabi ni Mico na ngayon ay nakatiim ang bagang. Alam niyang di naman siguro nanaisin ng lalaki na magahasa siya sa harap nito. Nagtawanan ang mga ito bago sila iwanan. Napaiyak naman siya nang maisip na baka gahasain siya ng mga ito. "Di kaba tatakas? Tatakas ako, ayokong magahasa dito Sir." Umiiyak na sabi niya. "Di ka nila magagalaw hanggat nandito ako." Sabi nito. "Nakatali ka din kaya, hmmp!" "Will you trust me?" Tanong nito sa kanya. "Anong trust ba yun? Condom o pills?" Huli na para bawiin niya anh joke niya. "Hmmn I better not to use condom, di yun masarap." Sagot nito na ikinalaki ng mga mata niya. "Hoy joke lang yun, di kita niyayayang mag s*x. O lord." Hiyang hiya na sabi niya dito. Puno ng kapilyuhan ang ngiti na nakapaskil sa labi nito. "Sige nga, sa mga lalaki dito ngayon kanino ka makikipag s*x? Sa akin o sa kanila. "Malamang sayo, teka nga bago mo isipin na makipag s*x sakin isipin muna natin kung paano tayo makakatakas dito. Promise pag isinama mo akong tumakas papayag akong makipag s*x sayo." Pakiusap niya dito. Sa dami ng mga lalaking nakikita niya sa unahan ay alam niyang Impossible ang makatakas sila. Sa layo ng lugar na pinagdalhan sa kanila ay parang suntok sa buwan na ang makatakas pa sila. Pero umaasa siyang sa tulong ng lalaki ay magagawa nilang tumakas. "Magaling kaba?" Halatang trip nitong asarin siya. Maybe gusto nitong pagaanin ang sitwasyon, nagbibiro ito para pakalmahin siya. "Virgin pa ako no, magaling akong matulog. Isama mo ako pag tatakas ka a, ayokong ma rape dito." Umiiyak na pakiusap niya dito. Nakita niya ang tila paglambong ng mga mata nito. "Rest now, gigisingin kita." Sabi nito na lumapit sa kanya. Kahit anong pikit niya ay di niya magawang makatulog sa takot, alam niyang nasa paligid lang ang kalaban at anumang oras ay pwede siyang gahasain ng mga ito. "Pag na rape nila ako, patayin mo nalang ako agad. Tapos sabihin mo sa pamilya ko na mahal ko sila." Mahina niyang sabi sa lalaki. "Tsss sleep, ako ang mag re rape sayo." Bulong nito. Pero sa halip na matakot sa banta nito ay tila kinilig pa siya. Mas pipiliin niya pang si Mico ang pag alayan niya ng kanyang katawan. Isipin niya palang na mahawakan siya ng mga lalaking dumukot sa kanila ay kinikilabutan na siya. May mga tent na ginawa ang mga dumukot sa kanila sa di kalayuan at alam niyang binabalak ng mga ito na dalhin siya sa isa sa mga iyon at doon pagsamantalahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD