Mico 19

1119 Words
Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay mag isa nalang siyang nakahiga sa kumpol ng mga tuyong dahon. Medyo tuyo na ang kanyang damit na suot. Tahimik at pawang mga huni ng mga ibon lang ang kanyang naririnig. Nagpalinga linga siya at nagbabakasakali na makita si Mico sa paligid. Lalo at sa pagkakaalala naman niya ay kasama niya ito kanina bago siya matulog. Nakita niya ang damit ng lalaki na nakasampay sa may batuhan, ang coat nito na pinangtali sa kanya sa katawan nito, ang t shirt nitong puti at ang slacks nito na may punit sa may bandang binti. Hinubad niya ang kanyang riders uniform na long sleeve at ang kanyang bra, may tshirt siyang kulay navy shirt sa ilalim. Isinampay niya ang bra at uniform niya sa tabi ng damit ng lalaki. Marahil ay naghanap lang ng makakain ang lalaki. "Mico!" Tawag niya sa lalaki makalipas ang ilang minuto. Ayaw niyang lakasan ang kanyang boses at baka may ibang tao sa paligid at ikapahamak pa niya. Ayaw naman niyang umalis doon at baka pag balik ni Mico ay lalo silang di magkakitaan di paman din niya kabisado ang lugar. Walang sumagot sa tawag niya, pero pilit niya paring pinatatatag ang kanyang sarili. Ayaw niyang mag isip ng kung ano ano at magpanic at di naman nakakatulong ang mga iyon sa sitwasyon niya. Kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom, napaglinga linga siya sa paligid. May nakita siyang ilang pirasong bayabas malapit sa may damuhan na kinahihigaan niya kanina. Umupo siya para kumain ng bayabas , marahil ay iniwanan iyon ng lalaki para may makain siya. Alam niyang di kagaya pag kanin ang kainin niya na pagkabusog, pero sapat na iyon para maibsan ang kumakalam niyang sikmura. Nanghihina na siya sa gutom kaya timing ang bayabas. Nakatatlong bayabas na siya nang makakita siya ng usok sa di kalayuan. Nanlamig bigla ang kanyang pakiramdam lalo at alam niyang wala si Mico para sumaklolo sa kanya kung sakali mang may masasamang loob doon. Nagpalinga linga siya sa paligid at naghanap ng pwedeng pagtaguan na lugar. Lumipas ang ilang oras pa ngunit walang ni anino ni Mico na dumating, parang gusto na niyang maiyak sa takot. Mukhang bubuhos ang malakas na ulan anumang sandali. Palakas na din ng palakas ang hangin. Nasa tabi paman din sila ng lawa. Di siya marunong lumangoy, wala siyang kahit basic survival skills man lang. Paano kung biglang bumaha at abutin ang kinaroroonan niya. Bumangon siya at kinuha ang mga damit nila, baka mabasa ng ulan. "Nasaan na kaya siya?" Umiiyak na bulong niya. Alam niyang anumang oras ay bubuhos na ang ulan, wala siyang ibang masisilungan kundi ang malaking puno na malapit sa ilog na karugtong ng lawa sa unahan. Pero nakakatakot ang malakas na agos ng tubig na bumabagsak papunta sa lawa. "Faith, halika na dun tayo sa medyo mataas. Baka bumaha dito." Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang lalaki. Nakahubad baro ito at pawisan, mukhang galing ito sa matinding trabaho. Pero wala na siyang panahon pa para magtanong kung saanman ito galing kanina, ang mahalaga ay nagbalik ito para sa kanya. Sapat na iyon para mapayapa ang kanyang puso at isip. "Sige!" Sagot niya na kaagad kinuha ang mga damit nilang tinanggal niya mula sa batuhan kanina. Pataas ang daang tinatahak nila pero balewala na sa kanya, siguro dahil sa adrenaline rush niya dahil sa takot na baka anumang oras ay bumuhos ang ulan at bumaha sa lugar na pinanggalingan nila kanina. Di nila kabisado ang lugar kaya mas nangangamba siya para sa kanilang kaligtasan, marahil ay nakaligtas sila mula sa mga kidnappers pero sa hamon ng kalikasan naman sila nadisgrasya. "Kaya mo pa o buhatin na kita??" Tanong ng lalaki sa kanya. Hingal na hingal na siya ng mga sandaling iyon, pero wala siyang balak na huminto sa paglalakad lalo at iniisip niyang baka abutan sila ng ulan. Useless lang ang ginawa nilang pagpapatuyo ng damit kanina. "Kaya ko pa!" Humihingal na sagot niya dito. Alam niyang kung pagod siya ay ganun din ito o baka mas pagod pa nga ito sa paghahanap ng kanilang makakain. "Sigurado ka? Kaya naman kitang buhatin." Sabi pa nito. The offer is tempting lalo at masakit na masakit na din naman ang kanyang mga hita. Bagamat di naman sila sinaktan ng mga dumukot sa kanila ay para naman silang nabugbog sa ilog nang nagdaang gabi habang tumatakas. "Oo sigurado ako, malayo paba?" Tanong niya dito, umaasa siyang hindi ang maging sagot nito. "Sa unahan niyang malaking puno. Mas mataas ang bahaging iyan at may source ng tubig sa malapit." Sagot nito na itinuro ang isang napakalaking puno sa di kalayuan. Nagpatiuna na siya ng lakad at gusto na niyang magpahinga, napadalas na din ang kulog at kidlat, hudyat na anumang sandali ay babagsak na ang ulan. Tumakbo na silang dalawa ni Mico. Sa ilalim ng isang napakalaking bato ay may tila bagong tayong kubo na gawa sa anahaw ang dingding. Saktong nakapasok sila ay saka naman bumuhos ang napakalakas na ulan. "Buti di tayo naabutan ng ulan!" Palatak niya na naupo sa sahig sa loob ng kubo. Maliit lang ang kubo sa loob, pang dalawang tao lang talaga. Pero ayos lang yun sa kanya. Secured ang kubo dahil maliban pala sa anahaw na dingding ay may kawayan din sa loob na dingding. Kahit wala silang kumot ay di na siguro sila giginawin. Sa isang bahagi ng ilalim ng bato ay may siga at sa tabi ay ang dalawang kumpol ng saging na nakahiga sa may ibabaw ng papag na nasa tabi ng siga. Nakita niya din ang dalawang ibon na iniihaw sa ibabaw ng apoy. Mukhang di lang ang pag gawa ng kubo ang ginawa ng lalaki kanina. Nanghuli din pala ito ng ibon para makakain sila. "Salamat a binalikan mo ako." Sabi niya dito. "Tss bakit naman kita iiwan doon e ang dami ko ng pagod sayo." Natatawang sagot pa nito. "Mabuti kapa nakapag sampay ka ng pantalon mo." Mahinang sabi niya. Medyo nangangati na siya sa pantalon niyang suot. Siguro ay dahil sa katawan na niya iyon natuyo. "Pwede mo namang hubarin yan, labhan at isampay." Sabi nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. "Wui e di nasilipan mo ako!" Ingos niya dito. "Faith dapat kanang masanay, soon makikita at makikita ko din naman yan." Sagot nito na ikinatahimik niya. Tahimik silang nagsalo sa apat na pirasong saging at isang boung ibon. Inilagay ng lalaki sa loob ng kubo ang isa pang ibon, mas wise ang ganun lalo at di naman nila tiyak kung hihinto na ang pag ulan. Maganda ang pagkakagawa ng lalaki sa kubo. Ilang sandali lang ay lumakas pang lalo ang ulan na sinabayan ng pabugso bugsong hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD