Chapter 52

2482 Words

AGATHA Hapon na nang bumalik kami mula sa ilog dito sa bahay ng kaibigan ko. Dapat uuwi kami ngayon sa Maynila gaya ng sinabi ni Draven kaninang umaga ng tumawag siya, pero dahil napagod ako, tapos takot talaga na sumakay sa helicopter ay sinabi ng asawa ko na bukas na lang daw kami aalis. Tinawagan niya ang tauhan na sunduin kami bukas ng umaga dito sa probinsya. Laking pasasalamat ko dahil may chance pa na makita ko kung ano ang natapos sa pinagagawa kong bahay pahingahan nina mama sa sementeryo bago umalis dito sa barrio. "Pasensya na kayo, wala kaming kutson dito sa bahay. Banig lang talaga at kulambo ang karaniwang meron kami," nahihiyang sabi ni Tiyang Raquel sa amin ni Draven. Madilim na kasi at kapag ganitong nine o'clock na dito sa probinsya, karamihan ay tulog na ang mga tao

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD