Galit na bumaba ako sa ground floor at mabilis na tinungo ang car park, kung saan nakagarahe ang paboritong sasakyan ni Draven at pinaputukan ko ang mga gulong saka binasag ang side mirror. Ang nakakainis pa, may attachment pala na bulletproof ang sasakyan ni Draven, kaya kahit ilang ulit kong hinampas ng malakas ang salamin ay hindi man lang na basag. Walang umawat sa akin, maging ang mga kasambahay ni Draven na pinanood kung paano ko sinira ang sasakyan ng malanding lalaking iyon. Gigil pa ako dahil hindi ko talaga masira ang bintana at pintuan. Matibay ang glass protector na ginamit niya kaya heto, ako ang napagod pero buo pa rin ang sasakyan pinangigigilan ko. Inis na pumasok ako sa pintuan at naupo sa sofa. Walang kahit isa sa mga kasama namin dito sa bahay ang kumausap sa akin. R

