"Boss, kung ginawa po namin iyon, baka hindi mo na kami nakakausap ngayon," sagot ng isa kaya sinapak ko. Lintik, dati takot sa akin ang mga bwisit na tauhan ko, pero bakit mas natatakot sila kay Agatha at hindi sa akin ngayon? Walang imik at kuyom ang kamao na iniwan ko sila at umalis sa carpark. Malaki ang hakbang na pumasok ako sa bahay, pero wala na ang bakas ng mga patak ng dugo ni Junard sa sahig, maging ang basyo ng bala mula sa baril ni Agatha na mabilis nilinis ng mga tauhan ko. Mabuti na lang katabi ko ang bodyguard ko dahil kung hindi, I'm sure, ako ang may butas ngayon ang katawan dahil talagang hindi nagbibiro si Agatha. Mahigpit na hawak ko ang cellphone sa kanang kamay na tinawagan ko si Drew. Sigurado akong ang bunsong kapatid ko ang may may kagagawan sa nangyari, kasa

