Sira na ang pangalang iningatan ni Mayor Tonyo. Wala na siya sa posisyon na matagal niyang inalagaan kapalit ng buhay ng mga magulang ko dahil gusto niyang manalo. Para na rin sa safety namin ng anak ko, hindi ko na pinuntahan ang demonyong iyon sa bilangguan at hinayaan ang asawa kong gawin ang kaparusahan gusto kong ibigay sa kanya sa oras na magkaharap kaming dalawa. Alam kong kapag hindi namin ginawa iyon, gagawin ni Mayor Tonyo ang lahat para makatakas gamit ang pera at koneksyon. Hindi man siya na convict sa kasong pagpatay sa mga magulang ko, kahit paano ay magaan na ang loob ko dahil na bigyan na sila ng hustisya. Matapos ang klase, magkasama kaming pumunta ni Theresa sa office ng professor namin. Pinagsabihan at dalawa kaming na sabon ng kaibigan ko dahil sa hindi kami parehon

