"Hindi," maikling sagot ko dahil nakaramdam ako ng sakit na gumuhit sa puso ko. Ibig sabihin totoo nga ang sinabi ni Drake na pauwi na si Draven noong isang araw na nakausap ko siya at dumalaw sa akin dito sa bahay pero bakit hanggang ngayon, hindi pa siya umuuwi? "Kumusta ang mommy ni Draven? Nakuha n'yo na ba siya sa mga kumidnap sa kanya?" tanong ko kay Sofia dahil alam kong ito ang dahilan kung bakit bigla na lang umalis si Draven ng walang paalam sa akin. "Yes, kasama siyang bumalik ni Draven dito sa Pilipinas," sagot ni Sofia na tanging hinihintay kong impormasyon mula sa kanya. "Salamat, Sofia," maikling sabi ko kasi naubusan na ako ng salitang sasabihin sa kanya. "No worries, kapag may kailangan ka or need mo ng kausap, tumawag ka lang sa akin." Na appreciate ko ang sinabi

