Chapter 13-3

1074 Words

"You, come with me!" malakas na utos ni Draven sa akin. Napa-singhap na lang ako nang hawakan niya ako sa braso at hinatak para sumunod sa kanya. Ang tangkad niya, tapos mabilis na naglalakad, kaya halos hindi na lumapat sa sahig ang mga paa ko sa bilis ng mga hakbang ko. Basta na lang nito inabot ang mga damit sa rack at pagkatapos ay titingin sa akin na para bang sinusukat niya ang katawan ko. Hindi man lang tiningnan ang price tag at basta na lang pinaglalagay sa cart at pagkatapos at inutusan akong isukat. Mabilis ang kilos na inabot ko ang damit na binigay ni Draven at pagkatapos ay agad pumasok sa fitting room para isukat. Nahirapan ako, lalo na at hindi naman ako sanay ng ganito. Hindi ko rin maisara ang zipper sa likuran dahil hindi ko maabot ng kamay ko. "Don't waste my time

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD