"What's that?" tanong ni Draven nang marinig niyang tumunog ng malakas ang tiyan ko. "Gutom na ako," tanging sagot ko. "Alright, go down and take your breakfast," mahinahon na sabi ni Draven na akala mo ay hindi siya mukhang lion na kayang pumatay sa isang iglap lang. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Akala ko pakakawalan na niya ako ng tuluyan kaya hindi ko inaasahan na makatanggap na naman ng halik mula sa kanya. Pakiramdam ko, lalo lamang akong nanghihina dahil sa panghahalik niya. Sapo ng isang kamay ni Draven ang batok ko at parang walang kasawaan na pinanggigilan niya ang labi ko, hanggang sa naramdaman kong sabay kaming bumagsak sa kama at napunta siya sa ibabaw ko. Ramdam ko ang bawat hagod ng dila ng asawa ko sa labi ko habang nakapatong sa ibabaw ko.

