Purong metal ang barìl at mahaba. Mabigat, kaya nahihirapan ako. Easy lang si Sofia kanina na parang magaan lang habang hawak niya, kaya hindi ko inaasahan na ganito pala kabigat ng ibigay niya sa ako at makuha ko sa kan'ya. "Kailangan mong maging malakas, Agatha. Baril lang iyan, pero parang mas mabigat pa sa iyo at hindi kayang i-handle ng mga braso mo," seryosong sabi ng kasama ko na kumuha pa ng isang rifle at magazine bago sinabi sa akin na sumunod umano ako sa kanya. Long range ang target namin. Seryoso si Sofia na pinalo pa ng kamay ang balikong braso ko dahil nahirapan ako. Terror siya, malayo sa kung paano ako tinuruan ni Draven kahapon. Mukha lang siyang sosyalera sa ayos niya, pero malupit pala ang babaeng ito. Nag-iingat akong huwag magkamali at magalit si Sofia. Napapansin

