CHAPTER 3
"Mara, sigurado ka mag-iMRT ka nalang?" tanong ni Aya, classmate ko.
"Oo naman.. maaga pa naman" sagot ko.
Gabi na kami natapos sa pag gawa ng requirements sa School. Deadline na kasi sa Tuesday. Since ayaw naming gamitin ang three days na long weekends namin for this requirements, mas pinili namin na ngayon na gawin dahil polishing narin naman kami.
"Sige, sa may station ka nalang namin ihatid.. Okay?" may sasakyan kasi si Aya "...Pero okay lang din sa akin Mara na ihatid ka sa inyo"
"Aya, okay lang ako. Hatid mo nalang ako sa station"
Hindi na nagpumilit si Aya. Ayaw ko na kasi magpahatid sa amin dahil opposite way kami eh. Nakakahiya naman sa kanya. At mahal na ang gas ngayon.
Hindi rin tumagal, dumating din kami sa station. "Aya, salamat ha"
"No worries girl, just text me kapag naka uwi ka na ha. And see you on Tuesday" Mabait si Aya. Kaya nga sikat sa School namin yan eh. Approachable kasi at very simple kahit alam ng lahat na anak sya ng isang Mayor.
"Sige, Aya! Ingat ka." bumaba ako mula sasakyan nya at tuluyan ng umalis si Aya. Umakyat ako ng hagdan para naman marating ang main station. At syempre makabili ng ticket.
Bihira lang ako maka uwi ng ganitong oras, kasi usually 7pm palang andito na ako sa MRT para umuwi. Ngayon, ibang iba na ang paligid. Kasi unti lang ang tao. Halos di nga ako pumila eh. Maganda pala ang ganito no? Parang ibang bansa lang. Walang mga taong nagmamadali, walang maraming taong makakabunggo sa iyo. Napakatahimik ng lugar.
Sakto naman dumating na ang tren. Buti naman di na ako mapapatagal sa kakahintay. Buti sana kung andito rin si Ivan. Agad akong napailing "Anu ba naman Ara..." kinakausap ko na ang sarili ko. Sinasampal sampal ko pa nga eh. Pero mahina lang. "Mara, bawas bawasan mo na nga ang kakaisip kay Ivan."
Siguro nga kasi iba talaga ang impact ni Ivan sa akin. Yung parang akala mo mangyayari lang sa isang romance story ng Precious Hearts o di naman kaya sa w*****d. Napailing nalang ako. Kung maka romance naman ako akala mo naman may gusto sa akin si Ivan.
Yumuko ako kasi gusto ko maidlip. Wala naman akong masandalang iba at mas okay na ako sa naka yuko. Napagod ako sa mga ginagawa namin sa School, ang dami kasing requirements.
Hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.
*****
Bakit parang mas komportable na ako sa posisyon ko? At parang ang bango ng paligid. Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa sinasandalan ng ulo ko. Pero bakit nay tumutusok na ng tagiliran ko?!
Teka? Magnanakaw ba ito? Maho-hold up na ba ako? Patuloy parin ako sa pagpikit pero kinakabahan na ako.
"Mara.."
Alam nya ang pangalan ko?!
Kaya napamulat ako agad!
"Ivan?!"
Humarap sa akin ang gwapong mukha ni Ivan. At nakangisi pa."Anung ginagawa mo dito?"
"Pauwi na rin ako katulad mo... Bakit bawal ba?" sagot nya. "Teka teka, ikaw kaya... Ngayon lang kita nakita dito ng ganitong oras" Sandali akong natigilan. Hinahanap nya rin ako? O baka naman katulad ko lagi ko din sya naiisip.
"A-ahmm..." bigla akong kinabahan at nahiya. "K-kasi gumawa pa kami ng requirements kaya ginabi ako."
"Tsk Tsk.." umiiling iling pa sya. "Alam mo bang nakakatakot yang ginawa mong pagtulog?" Napatingin lang ako sa kanya. Wala akong kuya pero sa kanya nararamdaman ko na may kuya ako. Pero paano yan? Crush ko ang Kuya ko?! No! That's i****t! "...Alam mo pwede kang nakawan sa ginawa mo. Buti nalang nakita kitang pumasok."
"Nakita mo ako? Kanina pa?" tanong ko.
"Oo, sa unahang station kasi ako sumakay kasi pinuntahan ko pa yung kaklase ko."
"Eh bakit di mo ako nilapitan?" kung makatanong ako eh. Girlfriend lang? Demanding masyado.
Bahagya syang natawa. "Lalapit sana ako, kayalang kasi natuwa akong tingnan ka mula sa malayo.." Huminto ang t***k ng puso ko. Oh my! Totoo pala ang salitang my heart skip a beat, akala ko kasi kadramahan lang sa TV yun. Pero ngayon nararamdaman ko sya. "...ang wierd mo kasi!" Parang salaming nabasag ang kilig ko. Tiningnan ko sya na medyo natawa pa. "napapailing iling ka pa kasi kanina, tapos tulala.." bahagya syang natatawa.
Alam mo yung feeling na parang punong puno ka ng kahihiyan? Imagine? Laging nasasaksihan ng Crush ko ang mga wierd moments ko. Like sa langgam-scene before, at ngayon ito.
"Dito ka rin ba bababa?" tanong nya. Napatingin ako sa paligid. Ito yung station na pinagkikitaan namin. "Oo dito ako, ikaw?"
"Oo dito... Pauwi na ako eh" sabi nya. Nang makalabas kami ng bus train. Naglakad na kami palabas ng station.
"San ka uuwi?" tanong nya. Kinabahan ako. Ngayon lang sya nagtanong ng bahay namin.
"Ha?"
"Diba uuwi ka na?" tanong nya ulit.
"Oo naman..." sagot ko.
"Kaya nga tinatanong ko kung san ka uuwi, ihahatid kita!" tuloy tuloy nyang sabi.
Ito nanaman. Huminto nanaman ang t***k ng puso ko. "Mara? Are you okay?"
Tumango naman ako ng maraming beses. "Sa D5 Street ako..."
"Oh,.." sagot nya "Halika na?"
"ahm... Ivan, okay lang... Kahit wag na"
He look at me na parang "Mara, it's not safe. Okay? Kaya halika na" Napatango nalang ako. Aangal pa ba ako?
"Mara, sa Monday ha.. Yung usapan natin" napatingala ako sa kanya. Magkatabi kami ngayon habang naglalakad ng sabay. May katangkaran sya kaya napatingala ako. "Oo... Basta libre mo ako ha." natatawa sya. Biro lang naman yun. Wala kasi akong masabi eh.
"Sure., ililibre kita ng pamasahe sa MRT"
"Ang daya mo..." nahampas ko pa sya ng mahina sa braso. Natawa naman sya.
"Ito naman, joke lang." sabi nya habang tumatawa parin "..Pero seriously, di naman kita papagutuman eh,."
'Hindi talaga ako magugutom eh. Ikaw ba naman kasama ko. At makakatipid ka sa akin, kasi kanin nalang ang kailangan mong ibigay, ikaw na ang ulam ko'
Bumabanat na ako ng palihim. Ito kasi si Ivan eh, ang lupet magpakilig.
"Dapat lang..." mahinang sagot ko.
"Mara, can I have your number?" Napakurap akong nakatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Hinihingi nya ang number ko? Ilang buwan na kaming magkaibigan ngayon lang sya nanghingi ng number ko.
"Ah... Sige!" medyo kinakabahan ako- sa kilig.
Matapos ko ibigay ang number ko sa kanya habang naglalakad kami, nagsalita naman sya "...naisip ko kasi baka sa susunod gabihin ka, atleast masasabayan kita. Ganun kasi ang oras ng uwi ko eh."
"Kahit summer ginagabi kayo ng class?"
Ngumiti muna sya "Oo, full load ako ngayong summer, nagkaprob ako sa ilang subjs last sem eh" kwento nya.
"Ah..." nakita ko na ang gate ng bahay namin "Ayan na ang bahay namin, yung yellow na gate"
"Wow! Ngayon lang ako nakakita ng yellow na gate" natawa ako. Kasalanan ng Papa ko ito eh, para daw di ako maligaw; yellow ang pinili nya na kulay ng gate.
Nung bata kasi ako madalas ako maligaw. Wala ang sense of direction nung bata ako eh. Kaya ayan ang kulay ng gate namin para malayo palang kita mo na, kahit madilim ang paligid makikita mo parin ang gate namin.
"Salamat Ivan ha..." nasa tapat na kami ng bahay. Napatingin pa sya sa bahay namin ng saglit.
"Wala yun Mara..." sagot nya "Dito pala kayo nakatira no?" sabi nya habang tinitingnan ang bahay namin. Kung hindi si Ivan ang nagsasalita, iisipin kong may binabalak itong masama.
"Oo, dito na nga ako lumaki eh." pagmamalaki ko. Simple lang ang bahay namin. Concrete style na tama lang ang laki. Only child lang kasi ako kaya hindi na namin kailangan ng malaking bahay at isa pa hindi naman kasi kami mayaman eh.
"So paano? Alis na ako." paalam nya.
"Sige, magiingat ka ha." sabi ko. Nakailang hakbang na si Ivan nang muli syang lumingon kaya napangiti ako. Muli sya kumaway kaya kumaway narin ako.
Nang makapasok ako sa bahay at sinara ang pinto. Para akong timang na napansandal sa dito at nakahawak pa ang kanang kamay ko sa bandang puso. sa buong buhay ko ngayon lang ako kinilig nang ganito. Dati kasi madaling mag expire ang kilig na meron ako, pero ngayon parang mas lumalala sya habang tumatagal.
"Sana mag Monday na..."
*****
Today is Saturday- ang paboritong araw ng mga studyanteng katulad ko. Who wouldn't like this day? It's a freedom day! You can stay on your bed as long as you want. Walang alarm clock na mang iisturbo sa iyo. Wala kang rush hour na iisipin.
"Mara, gising na!" Pero hindi lahat nararanasan ang freedom day every Saturday, katulad ko. Yes, no alarm clock, no rush hour but I have a human alarm clock and that's my Mother. "Mara, ano ba? Kanina pa kita ginigising. Tanghali na."
Mapupungay pa ang mata na bumangon ako. Tumingin ako sa bedside table ko kung nasaan ang alarm clock ko. Seven in the morning pa lang, pero yung Mama ko tanghali na ito para sa kanya.
Bumangon ako at nakitang abalang abala si Mama sa pagliligpit ng mga gamit sa salas. Napatingin sya sa akin noong lumabas ako mula sa kwarto, "Kumain ka na." sabi nya. Isang Teacher si Mama, kaya nasanay na ako na may pagka masungit sya. Sanay na ako na pagalitan nya na parang isang elementary student lang.
Nang makalapit na ako sa dining table, nakahain na ang breakfast. Nagtimpla muna ako ng gatas bago ako nagsimulang kumain. Sabi kasi ni Mama maganda raw na habang bata palang ako iniingatan ko na ang buto ko .
Habang kumakain ako, nagsalita si Mama. "Mara, itext mo nga ang Uncle Jun mo. Sabihin mo na wala akong load. Sabihin mo dadaan nalang ako sa kanila mamaya," Bunsong kapatid ni Mama si Uncle Jun at may sakit ito ngayon. Liver cirrhosis. Dakilang manginginom eh.
"Sige po Ma," tumayo ako para kunin ang cellphone ko. May laman pa ang bibig ko.
Nang makuha ko ang cellphone ko. "Hala! Ma!"
"Bakit? Anong nangyari?" natatarantang sabi ni Mama. Mukhang napatakbo pa ito mula sa sala papunta sa kwarto ko.
"Yung crush ko nag-text!" sagot ko. May text kasi si Ivan.
Nagbago ang expression ng mukha ng Mama ko. "Ewan ko sa iyo Mara! Akala ko kung ano na." naiinis nyang sabi habang sumusunod ako sa kanya palabas ng kwarto. Hindi ko na inintindi ang sermon ni Mama, nakangiti lang akong nakatitig sa text ni Ivan.
"Ikaw siguro Mara nagbo-boyfriend-boyfriend ka na!" napatingin ako kay Mama pero hindi ako maapektuhan ng sermon nya. Para parin akong nasa ulap dahil sa text ni Ivan. "Oh, nababaliw ka na dyan sa text na yan. Hindi mo na sinunod pinapagawa ko." lumapit sya sa akin, "Akin na nga ang cellphone mo, ano bang sabi?" kinuha nito sa kamay ko ang cellphone at binasa.
Nakakunot noong binalik ni Mama ang cellphone. "Simpleng goodmorning lang nagkaka-ganyan ka na." napapailing na tumalikod si Mama at bumalik sa ginagawa. "Kumain ka na at itext mo na si Uncle Jun mo."
Bumalik ako sa dining table, nakangiti parin ako sa text ng isang unknown number.
"Goodmorning Mara. :) -Ivan"
Yan ang eksaktong text message na natanggap ko.
After few minutes na nakarecover din ako sa text ni Ivan. I hit the reply button. Pero ano ba ang irereply ko. First time ko itong naranasan, ano ba dapat ang irereply ko. Tumingin ako kay Mama, "Ma, ano ba ang irereply ko dito?"
"Ano bang sabi ni Uncle Jun mo?" sagot nito.
"Hindi Ma. Anong irereply ko kay crush." napailing muli si Mama. Parang gusto nya nang sukuan ang pakikipagusap sa akin.
"Ano bang sinasagot sa goodmorning?"
"Goodmorning." sagot ko.
"Oh, alam mo naman pala. Ikaw na bata ka." sagot nito. "dalian mo na dyan"
"Perstaym kasi ito Ma, kaya alam mo na. Nasa adjustment period palang ako." paliwanag ko.
"Talagang may adjustment period ka pa no?" yang Mama ko. Sabi ko sa inyo eh. Kung pagalitan ako ni Mama parang isa ako sa studyante nya sa elementary. Noong Teacher ko nga sya sa Grade five parang gusto kong makiusap sa Principal na ilipat nalang ako sa second section para hindi sya ang teacher ko. Bantay sarado ako eh. "Tapusin mo na ang pagkain mo."
Binalik ko ang attention ko sa text ni Ivan. Nagtype ako ng goodmorning plus smiley katulad ng sa kanya bago ko ito sinend sa kanya. Matapos ko itext si Ivan, doon ko tinext ang Uncle Jun ko katulad ng utos ni Mama.
Nakangiting inilapag ko ang cellphone ko sa mesa at magandang kumain. What a beautiful way to start a day. Kung ganito ang umaga ko, aba masarap talagang gumising.
Biglang tumunog ang cellphone ko at excited kong binuksan ang message. Nagreply sya.
"Kagigising mo lang?" yan ang text nya.
Nakangiti akong nangreply. "30 minutes ago."
Nakangiti akong bumalik sa pagkain. Bigla namang dumating si Papa. "Aba, mukhang maganda ang gising ng dalaga ko ah." I have the coolest father in town. Nagtatrabaho ito sa Human Resources sa Capitol.
"Hay naku yang anak mo nakatanggap ng text galing sa crush." napasimangot ako sa sumbong ni Mama. Minsan talaga si Mama ang kontrabida sa buhay ko. Kaya ayan si Papa agad na napatingin sa akin.
"Crush?" tanong ni Papa. "Sino yan?" may pagbabanta sa tono ng boses ni Papa.
"Kaibigan ko po."
"Mabuting tao ba yan?" tanong nito.
"Si Papa naman, parang kriminal agad ang tingin mo sa kanya."
"Aba syempre! Papa mo ako, poprotektahan kita sa mga lalaking may hindi magandang plano sa iyo." Kung magsalita naman si Papa, masyadong advance ang isip.
"Pa, crush ko lang. Kaibigan. Hindi nga nanliligaw eh."
"Oh, bakit dismayado kang hindi nanliligaw?" singit ni Mama. Aba mukhang pinagtutulungan ako ng dalawa.
"Hindi kaya!" Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan ko. Pero kinuha ko ang cellphone ko sa table, mahirap na baga kunin ni Papa at basahin pa ang text ni Ivan.
Nag-iisa lang akong anak and I tell you, malungkot maging isang anak. Noong bata ako, wala akong makalaro, kailangan ko pang pumunta sa kapitbahay para magkaroon ng kalaro. Kapag inaway ako, wala akong kakampi, uuwi nalang ako mag-isa at iiyak. Kaya ngayon na lumaki ako, kaming tatlo nalang ang nagkukulitan sa bahay. Katulad ngayon.
Pagpasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan kung nagtext si Ivan. Napangiti ako nang makita ang salitang 1 message received. Excited akong binuksan ito.
"Kumain ka na?"tanong nya.
"Kakatapos ko lang." sagot ko. Gusto kong habaan ang text ko pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi pala madaling makatext ang crush mo.
Humiga akong muli sa kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Good. Ako kakain palang. Text u later." Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Nagsisimula palang ang usapan tapos later agad.
I replied okay, bago ko ako muling lumabas ng kwarto. "Oh, bakit parang nagbago ang ihip ng hangin? SInaktan ka na ba agad ng lalaking yan?' agad na tanong ni Papa ng makita ako. Napansin nya siguro na malungkot ako. Nakasimangot lang ako, hindi ko sinagot si Papa.
Lumapit si Mama kay Papa at nag abot ng isang tasa ng kape, "Baka naman nabusted agad ng crush." pangaasar ni Mama.
Tumingin ako sa mga magulang ko. "Hindi kaya! Nag iisip ako ng gagawin ko." Tumayo ako. "Maglalaba pala ako." agad akong bumalik sa kwarto para kunin ang mga labahan ko.
*****
"Finished!" yey, tapos na ako maglaba. Nasampay ko na at wala na ulit akong gagawin. Nagpunas ako ng kamay at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa. Nalungkot ako, wala parin text si Ivan.
"Ang tagal naman ng later nya." bulong ko habang nililigpit ang ginamit ko sa paglalaba. "Later means forever ata sa kanya eh."
Isang bagay na mahirap sa pagiging babae? Yung hindi mo magawang maunang magtext dahil baka isipin nilang ang flirt mo. Hindi ko nga alam minsan kung saan nakakakuha ng lakas ng loob yung ibang mga babae para makipag flirt sa mga lalaki.
"Oh buti tapos ka na. Malapit narin tayo kumain." sabi ni Mama. Nagluluto sya ng pagkain namin para sa tanghalian.
"Sige po, maliligo lang ako."
Naligo ako dahil napagod ako sa paglalaba, pakiramdam ko ang baho ko na. Pagtapos ko maligo, bumalik na ako sa kusina at tinulungan si Mama maghanda.
Hindi parin maalis sa mata ko ang cellphone ko. Maya-maya ang pag-check ko kung nagtext na ba si Ivan, pero bakit wala parin. Kung ano ang saya ko nung makatanggap ng text from Ivan, ito namang disappointment ko dahil sa sobrang tagal nyang mag breakfast.
Wake up Mara! Malamang tapos na sya mag breakfast, sadyang hindi ka lang nya ni-reply! Bulong ko yan sa sarili ko. Napailing nalang ako sa naisip ko at binuhos ang attention ko sa pagkain.
Nang matapos kumain, ako na ang naghugas ng plato. Pilit kong inaalis sa isip ko si Ivan. Kumakanta pa ako habang naghuhugas ng plato para lang mawala sa isip ko ang disappointment.
Nang matapos ako maghugas, pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama. Habang nakatingin ako sa puting kisame namin, naisip ko si Ivan. "Bakit ba ikaw nanaman ang nasa isip ko?" pinikit ko ang mata ko para maikalma ang sarili ko sa kung ano man itong nararamdaman ko.
Then my phone beeps. Daig ko pa ata sa flash sa bilis ng pagbangon ko para makuha ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ko ang 1 message received. Syempre excited akong binuksan ito.
FREE MSG: Kiligin sa boses ni Daniel Padilla. Dial *1234.
Parang gusto kong itapon itong cellphone ko sa message na natanggap. Sa dinami daming magti-text, Globe pa talaga ang nagtext. Ilalagpag ko na ang cellphone ko nang biglang tumunog ulit ito.
When I open it: See you on Monday Mara. Goodnight! :)
Parang gusto kong tumalon sa text ni Ivan. Nawala ang disappointment na meron ako kanina pa. Parang wala sa sarili na nagpagulong gulong ako sa kama ko habang yakap ang cellphone ko. Nang mapagod ako, bumangon ako at ibinalik ang attention sya text ni Ivan.
"See you on monday!" I replied. Simple lang ang reply ko pero parang huminto ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko akalain na ganito pala ito.
Hindi pa ako nakaka-get ove nang tumunog ulit ang cellphone ko. He replied. Nagdiriwang ang puso ko. "Susunduin kita."
Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti habang nagtatype ng reply ko. "Hihintayin kita." Muli akong humiga sa kama ko at nakangiting tumingin sa puting kisame namin. Hindi ko pala kayang magtampo kay Ivan.
*****
Today is Monday!
"Oh Mara? Ang aga mo naman nagising?" bungad yan sa akin ni Papa habang kasama nya si Papa na nagkakape sa table. "...mukhang talagang excited ka dyan sa bonding session mo sa kaibigan mo na crush mo ah?" sabi pa ni Papa
Ngumiti ako bago nagsalita, "Maaga naman talaga ako gumising ah."
"Hay naku Mara, papunta ka palang pabalik na kami." ayan nanaman si Mama. "Yang ngiti mo sa mukha, basang basa ko na yan."
Nagpa alam ako sa kanila kagabi na lalabas ako ngayong araw with Ivan. Sinabi ko na si Ivan yung crush ko. At first, hesitant pa sila na payagan ako lalo na si Papa. Baka daw kasi masamang tao si Ivan. Pero naconvince ko din sya. Sinabi ko na friend ko lang si Ivan. Nagkataon lang na naging crush ko sya.
"Kayo naman, minsan lang naman 'to." sagot ko bago umupo sa tabi ni Papa. "Medyo kinabahan nga ako eh." dugtong ko.
"Kung kinakabahan ka, wag ka ng tumuloy" agad sagot ni Papa. Natawa naman si Mama sa reaction ko. Napa nganga kasi ako.
"Hala Pa!" maktol ko "Pumayaga ka na kaya kagabi" naku hindi pwedeng hindi papayag si Papa. Pahirapan ang pag papaalam ko sa kanya kagabi.
Natatawang humigop si Papa ng kape. "Ikaw kaya ang nagsabi na kinakabahan ka..."
"Kinakabahan lang naman ako kasi perstaym ko." paliwanag ko. "Pero may tiwala naman ako kay Ivan eh, friends kami eh kaya nga may friendly bonding kami eh" I assured Papa na magkaibigan lang kami ni Ivan. Hindi naman ito date eh, bonding lang ito.
"Oh sya! Anung oras ka ba nya susunduin?" tanong ni Mama. "Baka naman niloloko ka lang nyan."
"Mama naman eh, ang nega mo" maktol ko.
"Nagtatanong lang naman ako ah?" sagot nito habang si Papa patawa tawa lang. Hindi na ako sumagot. Pinagtutulungan talaga ako ng mga magulang ko.
Tumingin ako sa cellphone ko to check kung nagtext ba si Ivan pero wala pa syang text. Unlike noong saturday na maghapon akong naghintay sa text nya, ngayon kampante ako. Katext ko kasi sya kagabi.
Simple lang kami magusap sa cellphone, walang mahabang mga salita, basta alam namin nagkakaintindihan kami. Napapangiti nya ako sa mga simpleng care na pinaparamdam nya.
Kumuha ako ng isang sachet ng three in one coffee at sinalin sa tasa na nasa harap ko. "Sabi nya 8:30 nya raw po ako susunduin."
"At talagang ganitong oras ka nagising?" tanong ni Papa.
"Ano naman Pa ang masama na magising ng alas singko ng umaga?" tanong ko. "sabi ni Mama dapat maaga daw magising. Oh ayan, maaga na ako nagising." napailing si Papa. Si mama na ang nagsalita.
"Hay naku Mara! Kapag may pasok pahirapan pa kung gisingin ka, pero kapag may date ganito kaaga? Ewan ko sa batang ito." sermon nya. "kumain ka na..." sabi ni Mama bago tumayo.
Habang hawak ko ang isang sachet ng Nescafé 3-in-1, napaisip ako. Nag aalangan akong ilagay ang kape sa tasa na kinuha ko. "Oh anung nangyari sayo?" tanong ni Papa nang mapansin ako.
"Kasi Pa, iniisip ko kung tama bang uminom ako ng kape ngayong morning..." napakunot noo yung Papa ko at yung Mama ko napalingon- nasa harap kasi sya ng gas range namin. "...kasi Pa usually pagkape, kumukulo tyan ko" napailing si Papa.
"Mag gatas ka nalang..." sagot nya na parang napaka pointless ng sinasabi ko.
"No Pa! Lactose intolerant ako, paano kung biglang... You know..." I shrugged my shoulder "...Nakakahiya kaya."
Napahinga ng malalim si Papa bago napahigop ng kape "Emmy, ikaw nga kumausap sa anak mong weirdo, mababaliw ako sa kanya" sabi ni Papa na parang pusa lang akong pinapasa sa Mama ko.
"Hala grabe ka naman Pa!" reklamo ko. "Sinasabi ko lang naman ah" May one glass na ibinigay sa akin si Mama at nilagyan nya ng tubig from ref. "Para walang problema, magtubig ka nalang. Okay?"
"Thanks Ma..." sagot ko bago kumain.
I had a best weekend ever plus isang napakagandang umaga ang sumalubong sa akin ngayong Monday. What more can I ask?
Pagkatapos ko kumain ay gumawa muna ako ng gawaing bahay katulad ng pailinis ng bahay. Simpleng walis-walis lang naman. Kailangan kong magpa good shot sa parents ko para hindi naman nila ako pagalitan.
"Alam mo Mara dapat dati ka pa nagka crush eh, maganda ang epekto sayo oh... Except sa nadadagdagan ang pagiging baliw mo."
"Kung maka weirdo ka naman Pa parang di ka na inlove nung kabataan mo" paliwanag ko habang patuloy na nagwawalis. Napahinto sya sa sinabi ko.
"In love? Tama ba narinig ko?" tanong ni Papa. "Bakit? Inlove ka ba sa lalaking yan?" may pagbabanta ulit sa tono ng boses ni Papa.
"Wala! Diba nga friends lang!" agad na depensa ko. Yun naman ang totoo eh.
"Nililinaw ko lang." sagot ni Papa.