Tahimik ang buong infirmary.
Walang ingay kundi ang tunog ng monitor beeping steadily in the background.
Si Lara Santos ay nakatayo sa operating room, nakasuot ng surgical gown, habang tinitingnan si Corporal Ethan Ramirez na nakahiga sa operating table — unconscious, pale, but breathing.
“Vitals are dropping,” sabi ng isa sa mga nurse.
“BP 80 over 50.”
“Continue pressure! We can’t lose him now,” utos ni Lara, nanginginig ang boses pero matatag ang kilos.
Ilang oras na silang nag-o-operate.
Bawat segundo ay parang isang labanan.
Hindi baril ang kalaban, kundi kamatayan mismo.
---
Habang hawak niya ang forceps, biglang sumagi sa isip niya ang lahat ng alaala nila —
ang unang araw na nagkita sila,
ang sigawan nila sa infirmary,
ang halakhak sa ulan,
at ang mga salitang “I’ll come back.”
No, Ethan. You’re not leaving me again.
“Pulse is weak, Doctor,” sabi ng nurse.
“Epi ready?”
“Yes, ma’am.”
“On my mark… now!”
Pinisil ni Lara ang bag valve, pinilit ang hangin sa baga ni Ethan.
“Come on, soldier… breathe!”
---
Ilang segundo ang lumipas na parang oras.
Hanggang sa — beep… beep… beep!
“Vitals are stabilizing,” sabi ng anesthesiologist. “He’s back.”
Nalaglag ang balikat ni Lara sa pagod.
Ngunit sa gitna ng pagod, may luha ng kaligayahan.
Ngumiti siya, halos pabulong,
“Welcome back, Corporal.”
---
Pagkalipas ng ilang oras, nasa recovery room na si Ethan.
Nasa tabi niya si Lara, tulog sa upuan, nakahawak pa rin sa kamay niya.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata.
“Lara…” mahinang tawag niya.
Nagising siya agad, tumayo, halos maluha.
“Ethan… oh my God, akala ko—”
Ngumiti siya, mahina pero buo. “I told you, doc… I don’t break promises.”
Tumawa si Lara sa gitna ng luha, sabay yakap sa kanya nang marahan.
“Wag mo na ulit akong takutin ng ganyan, okay?”
“No promises on that one,” biro niya.
---
Tahimik silang dalawa sandali.
Sa labas ng bintana, unti-unting sumisikat ang araw.
Ang langit ay kulay kahel at ginto — parang bagong simula.
“Lara,” sabi ni Ethan, seryoso na.
“Hmm?”
“After all this… after the orders, the missions, the chaos… what happens next?”
Ngumiti si Lara, tumingin sa kanya nang diretso.
“Next?”
“Yeah.”
“Next… you rest, soldier. Then when you’re healed…”
She took a deep breath.
“…we talk about everything we’ve been afraid to say.”
Ngumiti si Ethan, mahina pero totoo.
“Then I guess I’ll fight harder to get better.”
“You’d better,” sagot ni Lara. “Because I’m not letting you go that easily.”
---
Habang dahan-dahang lumalabas ang sinag ng araw sa bintana,
pareho silang tahimik na nakatingin.
Wala nang sirena, wala nang putok.
Tanging tunog ng dalawang puso ang naririnig — sabay sa t***k ng bagong umaga.
---