Tahimik ang base.
Ang mga ilaw sa barracks ay patay na, tanging ang mga poste lang ang nagbabantay sa gabi.
Si Lara Santos ay gising pa rin sa infirmary, tahimik na nag-aayos ng mga medical charts kahit wala naman siyang pasyente.
Hindi dahil kailangan, kundi dahil ayaw niyang matulog —
dahil sa mga panaginip na paulit-ulit bumabalik.
Mga putok, dugo, ang boses ni Ethan na humihingi ng tulong.
---
Isang mahinang katok ang gumising sa kanya sa pag-iisip.
“Come in,” sabi niya, mahina ang tinig.
Pagbukas ng pinto, naroon si Corporal Ethan Ramirez, suot ang bagong uniform, kumpleto sa gear — parang handang-handang umalis.
“Ethan?”
“Hey,” ngiti nito, pilit pero hindi totoo.
“Anong ibig sabihin niyan?” tumayo siya agad. “You’re being deployed again, aren’t you?”
Tahimik si Ethan.
Ang katahimikan niya ang pinakamasakit na sagot.
---
“Bakit ngayon? Kakagaling mo lang sa operasyon!”
“Command’s orders,” sagot niya, mababa ang boses. “Recon mission lang daw. Two days tops.”
“Two days?” halos mapasigaw si Lara. “’Yun din ang sabi mo dati!”
Umiling si Ethan. Lumapit siya, hinawakan ang balikat ni Lara.
“Lara, hindi ako pwedeng tumanggi. May team akong kailangang pangunahan.
And… they trust me now, after what happened. I can’t walk away.”
“Pero paano naman ako?”
Hindi sinasadyang lumabas sa labi niya iyon.
Parang napahiya siya agad, pero huli na.
Tahimik ulit si Ethan, at saka siya marahang ngumiti.
“Hindi mo alam kung gaano ko gustong manatili.”
Tiningnan niya ito, ramdam ang bigat ng bawat salitang hindi nila masabi.
---
Lumapit si Lara.
“Ethan, please. Kung kailangan mo umalis… just promise me something.”
“Ano ‘yon?”
“Na babalik ka ulit. Na this time, hindi mo ako iiwan sa katahimikan.”
Hinawakan ni Ethan ang kamay niya, mahigpit.
“Promise.”
Ngunit sa likod ng ngiti niya, may lungkot.
At alam ni Lara — sa gitna ng mundo ng mga sundalo, walang pangakong sigurado.
---
Ilang oras matapos iyon, nakatayo siya sa runway habang paalis ang unit ni Ethan.
Ang liwanag ng umaga ay unti-unting pumapasok, nagiging kulay ginto ang langit.
“Whispers before dawn,” bulong niya sa sarili.
Lahat ay tahimik, maliban sa ugong ng helicopter.
Bago sumakay, lumingon si Ethan sa kanya — at kahit malayo, sapat na ang tingin nila para maintindihan ang lahat.
Walang salita, walang halik, pero sa pagitan ng hangin ay may binitawang pangako:
“I’ll come back.”
---
Sa mga sumunod na araw, bumalik sa routine si Lara.
Ngunit iba na ang katahimikan.
Ang bawat tunog ng radyo ay nagpapabilis ng t***k ng puso niya.
Ang bawat sulat na dumarating ay kanya agad binubuksan, kahit hindi para sa kanya.
Hanggang sa isang gabi, may dumating na encrypted transmission mula sa recon team ni Ethan.
Static. Putol-putol.
> “—base compromised… ambush… coordinates—”
at pagkatapos,
“Tell… Lara—”
Tumigil ang signal.
Nalaglag ang radio sa kamay ni Lara.
Tumayo siya, nanginginig, habang unti-unting tumulo ang luha.
“Not again… please not again…”
Lumapit si Captain Ortega, hinawakan ang balikat niya.
“Miss Santos, stay calm. We’re verifying the location now.”
Pero alam ni Lara — hindi siya makakapaghintay.
---
Kinagabihan, habang ang buong base ay naghahanda sa rescue plan,
nakaupo si Lara sa labas ng infirmary, nakatingin sa madilim na langit.
Tahimik na huminga, sabay bulong:
“Ethan… wherever you are… don’t break your promise.”
---