Chapter 9 – The Silence After

653 Words
Ang base ay tila mas tahimik kaysa dati. Wala ang mga rason ng tawanan ng mga sundalo, wala ang ingay ng helicopter. Tanging hangin lang ang gumagalaw, at ang kaluskos ng mga papel sa mesa ni Lara Santos. Tatlong linggo na mula nang dumating ang huling sulat ni Ethan Ramirez. Walang bagong balita. Walang tawag. Walang signal. At sa bawat araw na lumilipas, parang unti-unting kinukuhanan ng kulay ang mundo. --- “Lara, kumain ka muna,” sabi ng head nurse, sabay abot ng tray ng pagkain. Umiling siya. “Mamaya na lang po.” “Hindi mo puwedeng gutumin ang sarili mo kakahintay.” “Hindi po ako gutom… pagod lang.” Pero totoo, hindi lang pagod — takot. Takot sa katahimikan. Dahil sa base, ang katahimikan ay may ibig sabihin. At alam niyang sa mundong ginagalawan nila, minsan, ang kawalan ng balita ay mas malakas kaysa mismong balita. --- Kinagabihan, habang nakaupo siya sa barracks, binuksan ni Lara ang kahon ng mga sulat ni Ethan. Isa-isa niyang binasa, paulit-ulit, parang hinahanap ang sagot sa pagitan ng mga linya. > “Don’t worry, I’ll find my way back.” “Breathe for me when I can’t.” “If I go quiet, it doesn’t mean I’m gone.” Tumulo ang luha niya. “Liar,” bulong niya, pero walang galit — puro sakit. “Sabi mo hindi ka mawawala…” Pinikit niya ang mga mata, at sa loob ng isip niya, naririnig pa rin niya ang boses ni Ethan — ‘Lara, huwag kang mawawala. Babalik ako.’ --- Ilang araw pa ang lumipas. Hanggang isang gabi, pinatawag siya ni Captain Ortega sa command tent. Pagpasok niya, may mapa sa mesa, may mga papel, at may isang sealed report. Tahimik si Ortega — sobrang tahimik. “Captain?” Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Lara… there’s been an operation in Mindoro. Ramirez’s team went off-grid after the last transmission. Search parties have been sent, but…” “Pero ano, Captain?” nanginginig ang boses niya. “Wala pa ring nakikitang survivors.” Napatigil si Lara. Ang buong paligid parang naglaho — tunog, liwanag, lahat. Ang naririnig lang niya ay ang t***k ng puso niyang parang sinasakal. “Sir… so what are you saying?” “We don’t know yet,” sagot ng kapitan, mabigat. “We can’t confirm anything. But for now… he’s missing in action.” --- Missing in action. Tatlong salitang parang sampal. Hindi patay, pero hindi rin buhay. Parang pag-asa na sinabihang maghintay, pero walang kasiguruhan kung may babalikan pa. Nang umalis si Lara sa tent, hindi na niya napigilan ang luha. Dumiretso siya sa infirmary, isinara ang pinto, at doon tuluyang bumigay. “Ethan…” bulong niya sa dilim. “Nasaan ka na?” Walang sagot. Tanging hangin lang ang dumadaloy sa loob ng kwarto. Pero habang humahagulgol siya, may isang bagay na dahan-dahang bumabalik sa isip niya — ang huling linya sa huling sulat: > “If I go quiet, it doesn’t mean I’m gone.” Napahinto siya. Dahan-dahan, pinunasan niya ang luha, at tiningnan muli ang sulat. Ang handwriting ni Ethan — may kakaibang mark sa gilid, parang code o coordinate na dati niyang hindi napansin. Isang maliit na numero, nakasulat sa gilid ng pahina: “N13°17 — E121°10.” Napahinga siya nang malalim. “Coordinates…” bulong niya. At sa sandaling iyon, may bagong apoy na nagliyab sa puso ni Lara. Kung ayaw ng mundo magbigay ng sagot, siya mismo ang hahanap. --- Kinabukasan, nag-file siya ng request sa logistics unit — medical outreach request to southern command. Alam niyang delikado. Alam niyang bawal. Pero hindi siya puwedeng manatili at maghintay na lang sa dilim. Habang naglalakad siya palabas ng base, mahigpit niyang hawak ang mga sulat ni Ethan sa dibdib. At sa isip niya, isang boses lang ang paulit-ulit: “If I go quiet… it doesn’t mean I’m gone.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD