EPISODE 55 THANK YOU ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. NGAYON ang check up ko sa ob gyne at hindi ko maiwasan na kabahan dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Nandito pa kami ngayon ni Alonzo sa waiting area at naghihintay na matawag ang aming mga pangalan. Isa lang pala ang clinic ng ob dito sa bayan kaya marami talaga ang pumunta dito upang magpa check up. “Hey….” Naramdaman ko ang paghawak ni Alonzo sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako at sumandal sa kanyang balikat. “Kinakabahan ako,” mahina kong sabi. “Hmm, bakit ka naman kakabahan?” tanong niya. “Baka kasi may mangyaring masama kay Baby. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, o baka may ginawa ako na makakasama sa anak natin,” kinakabahan ko na sabi at muli akong napatingin kay Alonzo. Ngumiti siya at hin

