“Pwde ka na mag umpisa sa lunes.” Nakangiting sabi ni ma’am Lia kay Alexis matapos nya maipasa ang lahat ng hinihingi netong requirements. Nagleave sya sa trabaho para lang maasikaso nya ang mga hinihingi neto. Ang sabi nya kay Ash ay gusto lang nyang magpahinga kaya sya nagleave pero ang totoo ay pumunta syang nbi at police station.
“Naku salamat ma’am Lia!” tuwang tuwang sabi neto.
“Sige.. bumalik ka na lang sa Lunes. Agahan mo ha?”
Tumango naman si Alexis. Napabuntung hininga sya. Mierkules ngayon kaya bukas na bukas din ay magpapasa sya ng resignation letter at immediate yun. Ang poproblemahin na lang nya ay kung paano sasabihin sa kasintahan at sa kanyang pamilya na iiwan nya ang trabaho para maging assistant sa isang shop.
“What do you mean you’re resigning?” kunot ang noong sabi ni Ash. They are currently having lunch sa loob ng opisina neto at sinabi ni Alexis na nagpasa na sya ng resignation letter.
“I just passed my resignation letter and it’s effective tomorrow.”
“Alexis what is this? Wala kang sinabi sakin na magreresign ka? Lilipat ka ng trabaho?” mataas ang boses na sabi ni Ash.
“Babe, hindi mo kelangang sumigaw. Oo me iba na akong trabaho, sa Lunes umpisa. I am sorry hindi ko sinabi sayo agad. Kasi –“
“Kasi what? Kasi hindi kita papayagan ganun ba?”
Hindi nakaimik si Alexis. Totoo naman yun ang isang naisip nya. Baka idiscourage sya neto dahil sa isang hindi kilalang shop sya magta trabaho at isang assistant pa ang trabaho nya dito.
“Papayagan kita kahit mas gusto kung nandito ka. Pero sana ipinaalam mo sakin ng hindi ako nabibigla.” Medyo malumanay ng sabi neto. He saw that Alexis is about to cry.
“I’m sorry if naisip ko un. I think it’s better that I don’t work here anymore. Hindi rin maganda sa image mo as a president na isang pangkaraniwang empleyado lang ang girlfriend mo.”
“I don’t care what those people are saying. I can fire whoever bullies you. Tell me, is there anyone bullying or gossiping about you?”
“Wala naman.” Tumayo sya at niyakap ang kasintahan. “I’m sorry na wag ka na magalit ok?”
Napabuntunghininga si Ash. He knows he can’t get mad anymore. Natutunaw sya sa tuwing naglalambing ang kasintahan.
“Alright.. let’s eat. San ka lilipat? Don’t tell me sa rival company ka lilipat.” Me himig biro ng sabi neto sa kanya. Sandaling natigilan si Alexis.
“Of course not! Babe, remember what I told you before na pangarap kong gawin? Sabi ko sayo nun, gusto ko isang araw, mag dedesign ako ng mga damit. So ahm, I applied as assistant sa isang shop.”
“Assistant? Where is that?”
“Malapit lang sya sa apartment namin nila Bettina. It’s not big, it’s not sikat.. It’s ok. Everyone starts from scratch. And this is what I want. This would make me happy.”
“Babe you don’t need to be an assistant. You can go back to school, I can help you. I can help you also set up your own shop – clothing line, what ever you might wanna call it and you’re the designer.”
“No! I want to do this on my own! Gusto ko marating ko ang gusto kung marating dahil pinaghirapan ko.!” Mabilis na tanggi ni Alexis.
“Ok.. whatever makes you happy.” umiiling na sabi ni Ash. Alam nyang me katigasan din ang ulo ng kasintahan. Ayaw nyang masira ang mood nila ngaun. Ilang araw na rin silang halos hindi nagkakasama dahil lagi syang busy.
Masaya naman si Alexis dahil hindi kumontra si Ash kahit ramdam nyang hindi neto nagustuhan ang ginawa nyang pagresign. Ang magulang na lang nya ang problema nya pero alam nyang sa bandang huli ay susuportahan din sya ng mga eto.
Gulat na gulat din ang kaibigan ni Alexis ng malamang nag resign na sya at magta trabaho sya sa shop bilang assistant.
“Seryoso ka talaga dyan Alexis? Naku baka magwala si tita Mila nyan.” Nanlalake ang matang sabi ni Betina.
“Naisip ko na din un Ina kaya lang eto gusto ko eh. Hindi na talaga ako masaya sa trabaho ko.” She calls her friend Ina.
“Hay ikaw sige kung anuman ang trip mo sa buhay. After all, kung kayo ni papa Ash mo magkatuluyan, hindi mo problema ang pera.”
“Yun na nga eh.. twenty five na ako parang wala pa ako narrating. Gusto ko kung magkakatuluyan kami, maipagmamalake nya ako sa narating ko at hindi dahil tinulungan nya ako. Pakiramdam ko, ang layo ko sa kanya.”
“Mahal niyo ang isa’t isa yun ang importante. Saka ang swerte swerte mo ha.. tanggap ka ng pamilya niya.”
Hindi umimik si Alexis. Nameet na rin naman nya ng ilang beses ang pamilya ng kasintahan at masasabi nyang mababaet naman ang mga eto sa kanya. Maging ang chairman Montes ay maayos naman syan netong pakitunguhan, pero pakiramdam nya ay tila hindi talaga sya buong gusto neto. Seryoso kasi eto tuwing kaharap nya. Pansin lang nya ay masaya etong kausap lagi ang boss nyang si Sabina.