Chapter 15

820 Words
Malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ash habang nakatingin sa labas ng kanyang sasakyan. Ayaw nyang lingunin ang katabi na kanina pa nakayuko. Naka park sa labas ng apartment nila Alexis ang kotse nya. Kanina pa sila nakahinto dito mula ng makarating sila galing sa bahay ng magulang ni Ash. “Babe.. “ naiiyak na tawag ni Alexis “Hindi ka na ba talaga mapipigilan?” matamlay na tanong ni Ash. Kanina ng sunduin nya si Alexis para umattend sa welcome dinner party ng kuya nya ay sinabi netong nakapasa eto sa audition at bukas ng hapon ang lipad neto papuntang Singapore para sa sinalihang TV show. “Bakit ba kasi kelangan mo ako pigilan? Para naman hindi ako babalik. Babalik ako. Pansamantala lang naman to eh!” umiiyak na sabi ni Alexis. “Matagal ang isang taon Alexis. O baka pag andun ka na.. pag sikat ka na, makalimutan mo ng bumalik..” “Ash.. wala ka bang tiwala sakin?” Hindi sya umimik. Dahil ang totoo, hindi kay Alexis sya walang tiwala kundi sa sarili nya. Ayaw nyang saktan eto dahil mahal nya eto at alam din nyang mahal sya neto pero nagugulo ang Sistema nya dahil kay Sabina. At alam ng isip nya na hindi si Sabina ang babaeng gusto nyang makasama. Si Alexis. Sya ang babaeng pangarap nya. Hindi naman sya ang taong hindi reasonable at alam nyang tama naman si Alexis. Saglit lang ang isang taon, isa pa, hindi naman siguaradong si Alexis ang mananalo.  Kahit sa kaibuturan ng puso nya ay gusto nyang Manalo eto, pero naiisip nyang sana ay wag na lang para bumalik eto agad ng Pilipinas. “Sige kung yan talaga ang gusto mo.. me magagawa pa ba ako?” nilingon nya eto at nakita nyang kahit paano ay nabawasan ang lunkot sa mga mata neto. “Thank you babe.. kahit naman ako ayaw kong malayo ng matagal sayo. I love you so much. Pero gusto ko ding matupad ang pangarap ko kasi kung sakaling maikasal tayo, gusto ko buong buo ko maibibigay ang time ko sa inyo ng magiging mga anak natin. Ayaw kong me asawa na ako, pero madami pa rin akong what ifs.“ yumakap eto ng mahigpit sa kanya. Muling natunaw si Ash at niyakap ang kasintahan. “Ok.. good luck babe. Ihahatid kita bukas hmmm?” nakangiti nyang sabi neto. “You’ll wait for me?” tanong neto. “Yes.” sagot dito. Masaya na etong nakatingin sa kanya. Mamaya pa ay bumaba na sila ng kotse at hinatid nya ang girlfriend hanggang loob ng apartment neto. Pagkatapos ay umalis na sya. Bumalik sya sa bahay ng magulang dahil hiniling ng mommy nya na dun muna sya magpalipas ng gabi. Inabutan nya ang kaibigang si TJ kainuman ang kuya nya at mga kaibigan neto at iba pang pinsan na umattend din sa party. Naghaharutan ang mga eto at halatang me mga tama na ng alak. “Bro pag napasagot mo si Sabina.. sagot ko na honeymoon nyo!” malakas na sabi ng kaibigang si TJ na nakahawak pa sa balikat ng kuya Lennon nya. Close din eto sa kuya Lennon sa tagal na nilang magkaibigan. Napabilis tuloy ang lapit nya sa mga eto. Umupo sya sa bakanteng sofa at dumampot ng beer. “Pero ramdam ko babastedin ka din nun!” dugtong pa ni TJ sabay tawa neto ng malakas. “Baliw ka talaga!” tumatawang sagot ng kuya nya. “Mailap yun bro.. wala pang nakakapasa dun. Kung mapapasagot mo.. idol na talaga kita!” daldal pa ni TJ. Napapailing si Ash sa katabilan ng kaibigan. “Don’t worry man.. wala pang babaeng tumanggi sa kaibigan namin!” sabad ng isang kaibigan ng kuya nya. Napayuko si Ash at tila pumait lalo sa panlasa nya ang beer na iniinum. “Si Sabina sisira sa record nyan.. “ kumpyansang sagot ni TJ. “Wanna bet bro?” tanong ulit ng kaibigan ng kuya Lennon nya. “Oh no bro.. kaibigan ko yun si Sabina! Wag ganun!” natuwa naman si Ash sa sagot ni TJ. Alam nyang kahit siraulo si TJ, hindi naman neto gagawin ang para pagkatuwaan si Sabina. “Pero brad, Lennon.. kung mapapasagot mo si Sab- tsss. Kahit duda ako.. boto ako sayo para sa kaibigan ko. Sige na nga.. ligawan mo na.. ng magkalove life na yun.. swerte mo dun brad.. matalino, maganda, wala pang naging boyfriend.. un lang, mala tigre un.. hindi ka mananalo sa debate dun!” tatawa tawa pang sabi ni TJ.. napipikit pikit pa to at nauutal indikasyon na lasing na eto. “Salamat sa bendisyon..” tumatawang sabi ng kuya Lennon nya kay TJ. Tahimik lang si Ash habang nakikinig sa asaran ng kuya nya at ni TJ. Iniisip kong seryoso ba ang mga eto sa pinag uusapan. Hindi naman nya sukat akalain na magkakagusto ang kuya nya kay Sabina dahil lahat ng naging girlfiend neto ay kabaliktaran ni Sabina. And everything started because of their endorsement. Para tuloy biglang gusto nyang magsisi na ginawa pa nila yun. Hindi din nagtagal at nagsiuwian na rin lahat ng mga bisita nila. Dahil nalasing ang kaibigang si TJ, sa guest room na nya eto pinatulog. He went to sleep na magulo ang isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD