Kumunot ang noo ni Hara ng huminto sila sa tapat ng isang lumang bodega. "And what are we doing here?" hindi mapigilang tanong niya sa dalawa. "Headquarters," sabay na sagot nito kaya muli niyang ibinalik ang tingin sa labas at hindi maiwasang magtaka. Headquarters? Sa isang lumang bodega? Naunang bumaba ang kaniyang kapatid at sumunod naman kaagad si Shawn. Naghintay siya ng ilang segundo pero shuta walang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Nakasimangot siyang lumabas at binigyan ng masamang tingin ang dalawang lalaking nag-uusap. Hmph, magkapareho lang itong dalawa. Walang ka gentle-gentleman sa katawan. Tumayo siya sa likuran ng dalawa at hinintay itong matapos sa mag-uusap. "Let's go," sambit ng kaniyang kuya. "Why did you brought me here? I mean, this is your work place—okay,

