Nagising si Hara na mag-isa na lang sa kama. Dahan-dahan siyang umupo at muling ipinikit ang kaniyang mga mata dahil inaantok pa rin siya. Hindi niya nga alam kung gaano katagal na siyang natutulog. Ang huling naalala niya lang ay nasa bathtub siya, naliligo. Looks like Shaud brought her in bed. Hindi niya na kasi mapigilan ang antok habang nakalublob sa tubig kaya ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hindi inakalang makakatulog pala. Umalis siya sa kama at nag inat-inat ng biglang pumasok sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila ni Shaud. Wala sa oras siyang napaayos ng tayo at naramdaman na lang ang biglang pag-init ng kaniyang mukha. Oh gosh, oh gosh. Nangyari na naman ang nangyari sa kanilang dalawa sa birthday ng kaibigan niya. Gosh! Nahihiya na naman siyang harapin ang binata!

