"Hara, look at me." Napairap siya at umaktong walang narinig. Sinong nagsabing okay sila? Ang kapal naman ng mukha nitong umaktong okay sila. "Hara," anito na may pananakot sa boses. Anong akala nito na matatakot siya? Pwes diyan siya nagkakamali, pinalaki siya ng kaniyang mga magulang na palaban. Hindi siya malambot, hindi siya kahoy. Hindi, hindi. Narinig niya ang papalapit na yapak nito kaya kunwaring may kinuha siya sa refrigerator. Kaagad naman siyang bumalik sa kinakatayuan at kinuha ang mga ulam na inilipat niya sa tupperware. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain. At sala, ayaw niyang nakikita ang pagmumukha ng binata. Naiinis siya. Pagkatapos niyang ilagay sa loob ng refrigerator ang mga ulam ay walang lingon-lingon siyang lumabas ng kusina at dumiretso ng kwarto. Hindi niy

