“Are the viand ready?”
“Yes, madam.”
“Good. How about the drinks?”
“Complete, madam.”
“Stop calling me madam, Erich. How about—“
“Everything is complete, madam. You don’t have anything to worry. Kalma ka lang, nahihilo ako sa palakad-lakad mo.” natatawang wika ng Chef de cuisine na kinuha niya para sa kaarawan ng kaibigan.
She sighed, “Why did I even volunteered to organized her birthday?” pabagsak siyang napaupo sa tapat ng kaibigang chef at napahilot ng sentido. Dahil sa pagvolunteer niya ay halos lahat ng desisyon at kailangang gawin sa event ay kailangan ang permiso niya.
Napuputol tuloy ang ibang mga trabaho niya dahil sa mga kailangang gawin sa event. Even all her interviews were moved just so she can focus on planning the event.
Hayst, bakit ba kasi ako nag-offer?
“Ayan kasi! Ang hilig-hilig mong mag-offer na ikaw na ang bahala sa lahat kahit alam mo namang sobrang busy mo tignan mo ang napala mo ngayon! We all know how busy you are and yet you still offer yourself to do it! Hindi lang man ba nagtanong si Eunice kung busy ka ba or what? Hayst, that woman. And I heard you’re flying to Italy? When is that? Gosh, ako naiistress sa’yo!”
“Oo, sa sabado—no, sa Sunday ata ‘yon?” sagot niya sabay lapag ng kaniyang cellphone sa center table pagkatapos ay humiga sa kaniyang kabibili lang na sopa. Hindi niya maiwasang mapaungol dahil sa nararamdamang sakit sa kaniyang bandang likuran.
Buong araw na siyang nakatayo at pabalik-balik sa venue at sa kaniyang opisina. Kung minamalas ka nga naman ay nagsabay pa ang problema sa kaniyang trabaho at birthday ng kaibigan. Hindi niya tuloy alam kung anong uunahin dahil pareho itong importante sa kaniya.
Buti nalang at pinuntahan siya ni Erich at ipinaalam sa kaniya na okay na ang lahat at wala na siyang dapat na problemahin pa, Thank God. Bukas ang kaniyang trabaho bilang artista naman ang kaniyang haharapin.
“Pati petsa ba naman hindi mo alam? Jusko, why not get a secretary or a PA? Ilang taon ka na sa industriya pero ayaw mo paring magtiwala,” Erich suggested.
“I have my manager, Erich. At saka, I can handle everything naman,” she replied.
“Handle everything? Talaga lang ah? Ito lang nga ay kabog na kabog na ang ganda mo, ano pa kaya sa susunod na mga buwan kung kailan may mga shooting at mga business meetings ka na. At least, kapag may secretary or PA ka pwedeng siya na lang ‘yong pupunta sa venue katulad ngayon o kaya sa mga meeting mo kapag may shooting ka na.”
“Having a secretary or a PA is like hitting two birds with one stone. At least, hindi lang ikaw ang maiistress, pati na rin siya!” hindi niya maiwasang mapailing iling dahil sa sinabi ng kaibigan.
Bigla siyang napaisip. May point nga naman ang kaibigan niya. Sobrang stress na nga niya sa pag-oorganize lang ng birthday ng kaibigan paano pa kaya kung magsabay-sabay na ang trabaho at business niya? That would be a disaster.
“I’ll tell my manager later.”
“Anyway, I have to go. Ako na ang bahala sa venue mamaya, I’ll just call you kung may hindi ako kaya o kailangan ang permiso mo. See you tonight.” paalam ng kaibigan kaya umayos siya ng pagkakaupo at hindi maiwasang mapahikab.
“Ayan, inaantok ka na. Why not take a rest? Tatawagan ko na lang si Ellish ngayon na pumunta rito upang may kasama ka. Matulog ka muna.” dahil sa sinabi ng kaibigan ay bigla siyang nakaramdam ng antok kaya tumango siya at muling bumalik sa pagkakahiga.
“I’ll just… take a nap,” she mumbled.
“SHE looks worn out. Huwag na lang kaya natin gisingin?”
Naalimpungatan si Hara ng makarinig siya ng nagbubulungan sa kaniyang tabi. Umayos siya sa pagkakahiga at dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata.
“Ang ingay,” she grumbled. Dahil kakagising niya lang ay hindi niya masyadong maaninag kung sinu-sino ang na sa kaniyang harapan.
“She’s awake, Ellish.” rinig niyang salita ng isang lalaki kaya hindi niya maiwasang kunutan ng noo at inilibot ang tingin sa paligid. Bakit may lalaki?
Thankfully, she’s still in her office.
“Take care of her, kukuha muna ako ng damit niyan.”
Dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga at hindi maiwasang muling mapahikap. Nag inat-inat siya habang inililibot ang tingin sa loob ng kaniyang opisina at kapagkuwan ay napahinto sa lalaking seryosong nakatitig sa kaniya. Wala sa oras niyang naibaba ang dalawang kamay mula sa ere at napakurap-kurap sa lalaking nasa kaniyang harapan.
What the f*ck?
“Hermosa, as always."
“A-anong ginawa mo rito?” kabang tanong niya sabay ayos ng kaniyang buhok na alam niyang mukha ng pugad ng ibon dahil sa gulo. Gosh, ano ba kasing ginagawa ng lalaking ‘to rito? Paano niya nalaman ang opisina ko?
“I’m with Trevor,” he replied. Tumango lang siya at umiwas ng tingin. May nagawa ba siya? Walang pumapasok sa kaniyang isipan na pwedeng maging rason kung bakit ito nasa kaniyang opisina. Ang pagkakalam niya ay wala naman siyang nagawang hindi maganda sa business nito o kaya sa kaniya.
And if he’s Trevor, paano sila nagkakilala? Bakit nasa opisina niya ito? Bakit sila lang dalawa? At kung kasama siya ni Trevor, asan si Trevor?
“Where’s Ellisha? I think I heard her voice earlier.” tanong niya sabay kuha ng kaniyang cellphone na umiilaw. Nang makita niya kung anong oras na ay hindi niya maiwasang mapamura sa isipan. Dalawang oras siyang tulog?
“Your friend decided to get your clothes for tonight. Masyadong mahimbing ang tulog mo kaya hinayaan ka na lang niya.” aniya.
Tumango lang siya bilang sagot at kaagad sinagot ang tawag ni Erich. Kung papatagalin niya pa ang pagsagot ay mapapatay siya ng kaibigan, knowing Erich.
“Yes, Erich?”
“God, Hara! I’ve been calling you since forever! Hindi ka ba sinabihan ni Ellish?”
Kumunot ang kaniyang noo, “I’m sorry, kakagising ko lang kasi. Bakit? May problema ba? How’s the preparation?” tanong niya at pasekretong tinapunan ng tingin ang lalaking kanina niya pa nararamdamang nakatitig.
Anong ginawa ng gwapong nilalang sa kaniyang magulong opisina? Hindi pa naman siya nakapag-ayos ng mga kagamitan sa loob dahil sa sobrang busy niya.
And when her eyes landed on him... her eyes automatically met his gaze causing her heart to ramble.
Calm down, heart! Please lang, napaghahalataang malandi ka sa kaniya!
Ilang segundo pa silang nagkatitigan bago naisipang lumihis ng tingin si Hara at kapagkuwan ay tumikhim. Kahit ilang segundo na ang lumipas ay ramdam niya pa rin ang bilis ng t***k ng kaniyang puso na para bang lalabas na ito sa kaniyang katawan.
Gosh, Shaud and his effects!
“Wala pa rin ang cake, Hara!” pagpapaalam sa kaniya ng kaibigan dahilan sa pagkunot ng kaniyang noo. She almost forgot that she was talking to her friend because of the man who’s been staring at her intensely.
About the cake, hindi niya maiwasang mapaisip. Hindi niya alam kung bakit may pacake pang naisip ang kaniyang kaibigan, e hindi naman iyon children’s party. Even the theme of its birthday is far from having a cake! In fact, she’s celebrating her 26th birthday for Pete’ Sake!
Well, she can’t judge her friend. Malay niya bang trip lang pala nitong magcake sa mismong birthday nito. It’s her birthday, anyway.
“Anong wala pa rin? I already contacted Vio’s sweets bago ako bumalik dito sa opisina.” aniya.
“Magsisimula na ang celebration, Hara!”
“Fine, fine. Give me Vio’s number, I’ll call him. ‘Yong sa kaniya ah? Hindi sa shop niya.” kaagad niyang pinatay ang tawag at hinintay ang message ni Erich.
It didn’t take long after Erich send Vio’s number.
“Hi, Good day. This is Hara Montalvo… Yes, about Eunice’s cake… Okay… Thank you.” kaagad niyang ibinaba ang tawag nila at kapagkuwan ay ang kaibigan naman ang tinawagan upang ipaalam dito ang kondisyon ng cake.
“The cake is already on its way to the venue and they’re currently battling with traffic. Paparating na raw naman sila, assist them,” she informed Erich before bidding goodbye.
Inangat niya ang kaniyang tingin sa lalaking tiim na nakatitig sa kaniya. Kanina niya pa napapansing nasa kaniya lang ang titig nito simula kanina, hindi niya tuloy matukoy kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.
“M-may mali ba?” tanong niya.
“Close your blouse properly.”
Dahil sa sinabi nito ay kaagad napatingin si Hara sa kaniyang suot-suot na blusa at mahinang napamura ng makitang bukas ang tatlong butones ng kaniyang damit.
What the f*ck!!!
“Oh f*ck,” bulong niya at kaagad inayos ang kaniyang blusa.
Jusko, bakit sa lahat pa ng pwedeng makakita na bukas ang kaniyang damit ay si Shaud pa talaga? Bakit ang lalaki pa talaga?! Nakakahiya tuloy!
Pero hindi niya maiwasang magpasalamat dahil si Shuad ang nakapansin. Alam niyang walang gagawing masama ang binata sa kaniya kahit tulog pa siya. Paano pa kaya kung iba ang nakakita? Jusko.
Sakto naman at bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at pumasok ang kaibigan niyang nakasimangot. Kaagad niyang nakuha kung bakit ganon na lang ang kaibigan. She was with Trevor, her ultimate enemy pero kalove team.
Galing! Ang plastic!
“Trevor!” nakangiting bati ni Hara at tumakbo palapit sa binata. Isang linggo na rin na hindi niya nakikita ang matalik na kaibigan. She doesn’t look at Trevor as a man but more like an older brother, mas matanda pa kasi ito sa kaniya ng tatlong taon kaya kapatid ang turing niya sa binata.
“Buti pa itong si Hara ay namiss ako, may isa riyan na sinusungitan lang ako parang hindi ako namimiss.” wika ng binata at binalingan ng tingin ang kaibigan niyang na sa isang sulok.
“Yuck. Manahimik ka, Trevor. Kanina ka pa nakakainis.” sagot ni Ellisha dahilan sa pagtawa ni Hara.
Ang pagsasagutan ng dalawa talaga ang nagbibigay aliw sa kaniya. Hindi na nga siya magtataka kung dadating ang araw na magkakatuluyan ang dalawa. The more you hate, the more you love ika nga nila.
“Come here, Hara baby! Namiss kita!”
Kaagad niyang binigyan ng mahigpit na yakap ang binata at hindi maiwasang makaramdam ng kaligtasan sa piling nito. Trevor have been behind her since the first day, isa rin ito sa mga tumulong sa kaniya sa magulong industrya kaya sobrang malapit na ito sa kaniya.
Biglang tumikhim si Trevor kaya napaangat siya ng tingin dito at nakita niya ang kaba sa mukha ng binata. “B-bitaw na Hara. Baka madead meat ako rito—I mean magbihis ka na. Ellisha brought your things for tonight.”
Kahit nagtataka siya ay kumalas siya sa yakap ni Trevor at lumapit sa kaibigan.
“Don’t worry, kuya lang ang turing ko kay Trevor mo.” nakangising bungad niya sa kaibigan dahilan sa pag-irap nito.
“Manahimik ka, Hara Yzaiel.” inis na sagot ng kaibigan kaya mahina siyang napatawa.
Nilingon niya ang pwesto ng lalaking nagpapabilis ng kaniyang puso at hindi maiwasang magtaka ng makitang seryoso itong kausap si Trevor at parang pinapagalitan nito ang kaibigang lalaki.
Eh?
“They know each other?” takang tanong niya at ibinalik ang tingin kay Ellisha.
Tumango ito at sabay bigay sa kaniya ng dala-dalang paper bag. “Yeah. Kahit ako hindi inexpect na magkakilala sila. Trevor is an actor while Mr. Dela Fuente is a businessman.” napatango siya dahil ito rin ang nasa isipan niya.
Muling niyang ibinalik ang tingin sa dalawang lalaki na mukhang nagbibiruan dahil nagtatawanan na ito. Kanina lang ang seseryoso tapos ngayon nagtatawanan na. Psh, weird people.
Magkaiba ang mundong ginagalawan ng dalawa kaya hindi niya inakalang magkaibigan pala ito. Iilan lang kasing mga businessman ang nakikipag-kaibigan sa mga artista dahil ayaw ng mga nitong masali sa gulo ng mundo ng pag-aartista pero mukhang walang pakialam si Shaud tungkol doon.
Kaagad napaiwas ng tingin si Hara nang sabay na napalingon ang dalawang lalaki sa gawi nila.
Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi maiwasang tanong ni Hara sa sarili.
“Magbihis ka na nga. Hinahanap na tayo ng birthday celebrant,” Ellisha advised.
Tumango lang siya at muling tinapunan nang tingin ang binatang nasa kay Trevor ang atensyon. Pumasok siya sa kwarto ng kaniyang opisina at ibinaba niya ang dala-dalang paper bag at kapagkuwan ay inisa-isang hinubad ang kaniyang suot na blouse at jeans.
Pagkatapos niyang mahubad ang mga damit ay nilapitan niya ang paper bag at kinuha ang laman nito. Buti nalang at naisipan ni Ellisha na kunan siya ng maisusuot dahil nawala ito sa kaniyang isipan. Umaatake na naman kasi ang pagiging makakalimutin niya.
Mukhang kailangan na nga talaga niyang kumuha ng sekretarya o PA dahil pati sa mga pang araw-araw na kailangan ay nakakalimutan na niya. Paano pa kaya kung hindi kumuha ng damit si Ellisha? Siguradong nga-nga siya ngayon.
Saan naman siya makakakuha ng mapagkakatiwalaang sekretarya? Mahirap pa naman magtiwala ngayon. Lalo na at uso ang mangloko sa mundo ngayon. Hayst, mga tao nga naman.
“What the?” hindi niya maiwasang mapamura at napakurap-kurap nang makita kung anong damit ang inihanda ni Ellisha para sa kaniya. Isa itong green backless satin dress na may kasamang kwintas at isang note.
Kunot noong pinulot niya ito at kaagad nalamang galing ito sa kaibigan dahil sa penmanship nito.
“Yes, you’ll be wearing that. No buts or I’ll rip all your clothes.” nakangiwi niyang ibinalik ang note sa loob ng paper bag at may nahagip na isang cellophane. Kinuha niya ito at nalamang naglalaman pala ito ng n*pple tape.
Napailing iling na lang siya at inilapag ang n*pple tape sa kama. Mukhang masusuot nga niya ito dahil wala na siyang lusot. Hays, Ellisha.