Ashley Hindi ko malaman kung paano ako nakauwi, si Carl ang laman ng isipan ko. Buti na lang at hindi ako naaksidente sa pagda-drive at malapit lang din ang aking tirahan. Bakit nga ba kasi ako nagdadala pa ng sasakyan? Hindi ko alam, kagaya din ng hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagustuhan ko sa amo kong babaero. Hindi ko naman siya sinisisi, ako itong bumigay eh. Pero ganun yata talaga dahil alam ko ng mangyayari rin ang ganito, ang hindi ko lang alam ay ngayon na pala. “Hey, anong iniisip mo?” ang tanong ni Zach, na mukhang nag-aalala. “Ha? Wala, naisip ko lang kung tama ba yung nailagay ko sa contract ng boss ko.” ang sagot ko naman. “Sa lalim ng pag-iisip mo ay hindi mo na tuloy napansin ang kasama ko,” ang sabi niya pa na ikinataka ko kaya naman inilibot ko ang aking tingin

